Enjoy Reading~
ANG AKING AMA
Ang aking amang haligi ng tahanan
Nagtatrabaho't nagkakayod ng lubusan
Ngunit ang pag-aaruga samin ay hindi kinakalimutan
Kaya kanyang pagmamahal nais naming suklian
Ang aming amang sa amin ay bumuhay
Laging nandyan at nakaagapay
Hindi malilimutan kanyang mga gabay
At hindi ipagpapalit sa kahit anong bagay
Ikaw ang unang lalaking aking nasilayan
At unang lalaking naging kaibigan
Unang lalaking minahal akong tunay
Pinahalagahan at inalagaan ng higit pa sa iyong buhay
Salamat sa regalong bigay ng Dios Ama
Isang mabuting ama't mapagmahal na asawa
Magandang lalaki ang panlabas na itsura
At mabuting budhi ang sa puso'y nakatala
Aking tulang sa iyo ay inilaan
Iyo sanang tanggapin at magustuhan
Mga mensaheng nais sabihin nawa'y maunawaan
Ito'y aking pinag-isipan at totoong pinaghirapan
Aking amang laging nandiriyan
Pag may problema'y aking nasasandalan
Kahit anong mangyari ay hindi kami iiwan
Isang pangakong kanyang binitawan
Ito ang oras na ako'y mangangako
Sa iyo ama na saksi ang mga tao
Mga taong babasa nitong aking soneto
Na aking inilaan para lamang sa iyo
Aking ipinapangako sa aking sarili
Na poprotektahan at mamahalin ka oras-oras at lagi-lagi
Sa iyong pagtanda'y ako'y iyong laging katabi
Ang mag-aalaga sayo hanggang sa mag-gabi
Buong puso ko itong ipagmamalaki
Na ikaw ang aking ama na siyang aking kahalili
Sa lahat ng bagay , at sa lahat ng sandali
Eduardo C. Pongpong , aking amang sinasabi
****************
A/N : Hello guys :)) halata naman siguro kung kanino ko ito idinededicate diba? Ofcourse ! Kanino pa ba? Walang iba kundi sa aking love na love na Papa:))
* And also gomen ne ( sorry ) kung ngayon lang ulit nagparamdam :)
* So guys waiting parin ako sa mga gustong magpadedicate :))
* And guys dont forget to
VOTE COMMENT SHARE:-*
THANKS A LOT:))~PrincessRoselle:-*
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is not a story , sariling gawa ko po ang mga tula dito Read this if mahilig kayo sa mga tula :) but if not hindi ko po kayo pinipilit:) I cant promise na super ganda ng tula ko but I can promise na I will do my best to make it wonderful:))...