Chapter 9: Rebound

Start from the beginning
                                    

Muli akong tumikhim para itago ang panginginig ng boses ko. I tried holding back my tears as well. "Uwi na muna ako. It's getting late" ani ko at kinalas ang hawak niya sa akin. I stood after. Hindi ko siya sinubukang lingunin. I didn't try to look at him. Iniwasan kong magtama ang paningin namin kasi baka mahalata niya ang pamumula ng mga mata ko.

Naglakad ako diretso papunta sa kusina at kinuha ang bag ko. I hang it on my shoulder.

After that, I took my phone out and typed a simple SMS to both of my friends.

Pauwi na ako.

Simpleng sabi ko sa text tsaka tinitigan ang numero ni Terence. Tatawagan ko na lang siya mamayang gabi. I'll just inform him na bukas na lang kami mag-usap kung available man siya.

Lumabas ako ng kusina, kaso natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Axel na nakatayo ng tuwid habang nakatingin sa akin.

"I'll drive you to your dorm" there was an emotion that crossed his eyes but he hid it abruptly.

Mabilis akong umiling. "Wag na. Dito ka na lang, mag-shower ka at matulog ka na. You are tired, Axel. You don't have to drive me there. I can do it alone" I told him. Gusto kong magpahatid. Gustong-gusto ko.

But I have to clear the line between us. I am his bed warmer. Just a bed warmer. So he doesn't need to do things like this. Ayokong lampasan ang linyang ginuhit niya kasi alam kong ako ang masasaktan sa huli. Ako ang talo.

Umiling siya. "Ihahatid kita" desididong sabi niya kaya huminga ako ng malalim.

"And I said no, Axel" matigas kong sabi. Humigpit ang hawak ko sa bag ko nang mapansin kong bahagya siyang nagulat. Umawang ang labi niya.

Siguro nagulat dahil umayaw ako. And I don't always reject whatever he says. Lagi akong sumusunod, lagi akong tumatango, lagi akong sumasang-ayon sa gusto niya. Hindi siya sanay na tinatanggihan ko siya. That explains the surprise in his eyes.

"Stay here and get some rest. Kita na lang ulit tayo kapag may oras" sabi ko sa kanya at naglakad patungo sa may pintuan. At nang mabuksan ko ito, nilingon ko si Axel na nakatitig lang sa akin.

I didn't say anything. And I didn't kiss him on the cheek like the usual everytime I leave.

Iniwas ko lang ang tingin ko at sinara na ang pintuan. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabanta.

Mabigat ang loob kong naglakad patungong elevator. Pagbukas nito, bumungad sa akin ang bulto ng isang babaeng may ngiti sa labi niya. I stopped mid-way. My forehead creased as I stared at her face. Parang pamilyar ang mukha niya. I think I've see her face somewhere.

Mala-anghel ang mukha niya. She's beautiful, tall and sexy. She's wearing a white dress that fits her perfectly.

Nagmamadali siyang lumabas ng lift kaya naman nabunggo niya ako konti. She looked back and mumbled a small sorry before she walked past me. Kunot noong pumasok ako sa loob ng lift. My eyes stuck at the woman's back walking straightly.

Pamilyar.

Unti-unting sumara ang elevator pero bago tuluyan itong masarado, nakita kong tumigil siya sa tapat ng unit ni Axel.

Napaawang ang labi ko. Biglang tinamaan ng kung anong pakiramdam ang dibdib ko.

Doon ba siya papasok? Baka maling kuwarto lang ang hinintuan niya? Nagsilabasan ang nga tanong at mga ideya sa isip ko.

I was about to press back to where Axel's floor is but I stopped when my phone rang. Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko. My mom's number registered on the screen.

Minsan lang tumatawag si Mommy. At kung tumatawag siya, isa lang ang ibig sabihin non.

I tried removing Axel in my mind as well as the woman I saw.

Mabilis kong sinagot ang tawag. "Mommy?" Bungad ko.

But my heart sank when I heard her small sob. "Anak ang papa mo" she mumbled softly.

My heart started hammering inside my chest. My dad's heart is sensitive, that is what I know. Bumigat ang paghinga ko. "Po? Bakit po? Anong nangyari?"

"I'll explain when you get here. Ipapasundo kita. Asan ka?"

Rinig ko ang panginginig ng boses ni Mommy. Please, protect my Dad... isip ko.

I didn't waste another second and told her where I am. "Okay. I'll wait you here" sabi niya. "I love you" she muttered. Despite of the raging emotions in my heart, her sweet words sent calmness inside me. "I love you too, mommy. I'll be there" tugon ko tsaka ko pinatay ang tawag.

I directed the elevator to the groud floor. And when the lift opened, I walked fast.

My dad is safe. He is safe.. pilit kong pinapaalala sa sarili ko. My grip on my bag got tighter and tighter each moment as I walked outside the grand hotel.

Naghintay ako. Hinintay ko ang sinabi ni Mommy na susundo sa akin. And as minutes passed, I stood straight when a car parked in front of me. Ito na ata. Kita ko ang paglabas ng driver ngunit pumorma bigla ang gulat sa mukha ko nang mamataan ko kung sino ang lumabas ng kotse.

He looked at me with guarded eyes and opened the door of the shot gun seat.

"Terence?" Gulat kong bigkas sa pangalan niya. "What are you doing here?"

He stood still. "I'm your bodyguard, Patricia. Now get in the car. Your mom is waiting for you" walang buhay na sabi niya.

Napaawang ang labi ko. "What?"

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now