EDWARD'S POV

"Continue."I said.

"Sa Australia ako nakatira dati,bumalik ako dito kasi nabalitaan ko yung tungkol sa nangyari about sa field trip at nakasama dun ang kapatid ko."Aniya at uminom ng beer.

"BLACK PHOENIX GANG.Yun ang pangalan ng grupo na sinalihan ko dati.Yun ang pinakaunang gang na sinalihan ko."Agad na nanlaki ang mata ko ng marinig kong sabihin niya yun.

"Wait,what?! BLACK PHOENIX?!"Di talaga makapaniwalang tugon ko.

"What? You know that group?"He asked.Di naman ako umimik kaya nagsimula ulit siyang magsalita.

"Mmm.Don't get me wrong pero di ako sumali grupong yun para pumatay o magnakaw sa mga inosenteng tao lang.Sumali ako sa grupong yun para makaganti sa leader ng gang na yun.I want revenge.Malaki ang kasalanan nila sa'kin."Biglang seryosong sabi niya at ipinatong ang magkabilang braso niya sa lamesa.

"Akala ko kapag napatay ko na ang main leader ng gang ay maaayos ko na ang problema ko sa kanila.Yun pala nagpatuloy pa rin ang BLACK PHOENIX hanggang sa parami ng parami na ang mga inosenteng nabiktima nila.Tsk! Sa dinami rami ng pwedeng patayin bakit yung mga walang laban pa,ang dami namang mga demonyong pakalat kalat dyan bakit nandamay pa ng mga inosenteng tao ang mga g*go.Ang mas nakakagalit pa pati na yung taong mahal ko dinamay! Pinagtangkaan pa nilang patayin!"Kita ko sa mga mata niya ang sobrang galit.Parang umaapoy na talaga sa galit.

"We're on the same situation,may balak rin akong maghiganti sa BLACK PHOENIX na yun."Sabi ko kaya nilingon niya naman ako.

"What are you talking about?"He asked.I smirked.

"So,you're from that group.I knew it...so tell me,alam kong hindi lang ikaw ang galing dun.Kayong magkakaibigan ay kasali lahat sa grupo na yun.Umamin ka nga sa akin.Pinadala ka ba ng bagong leader ng gang na yun para guluhin ang buhay ng kapatid ko."Kunot noong tanong niya.

"Seryoso ka? Tinatanong mo sa akin yan?"Ngisi ko naman.Nang mapansin kong seryoso ang ekspresyon niya ay bumuntong hininga ako.

"Una sa lahat,kapatid mo ang nanggulo sa buhay namin.Napapahamak siya dahil lagi siyang nakabuntot sa'min kaya pati tuloy siya ay pasanin pa namin.Hindi ko kailan man pag-aaksayahan ng oras yang kapatid mo na guluhin pa dahil wala rin naman akong mapapala sa kanya."Tugon ko.

'Pero dahil siya lang ang may kayang makausap ngayon si Stephanie ay may mapapala ako sa kanya ngayon...pero hindi ko pwedeng sabihin sayo ang plano ko tungkol dito,dahil kami lang dapat ng kapatid mo ang sangkot.Ayokong dumagdag ka pa sa reponsibilidad ko.'

"Mmm,I see siguro naman ay kuntento ka na.Nasabi ko na ang dapat kong sabihin at may natitira pang 30 minutes,bakit hindi naman ikaw ang magkwento?"Ngisi niya sabay inom ng beer.

"Wala sa usapan natin na pati ako ay magkwekwento.Tsaka ano bang pakialam mo sa buhay ko? Isang salita lang.Walang kwenta...ayos na?"Inis na sagot ko sa kanya.

"Chill,just asking and by the way tungkol sa nangyari kanina,hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may tinatago ang kapatid ko sa akin.Ikaw ang huling nakausap niya.May nabanggit ba siyang dapat kong malaman?"Tanong niya.

"Tss,malay ko dyan sa kapatid mo.Bakit hindi mo siya tanungin ng personal,sinigawan niya lang ako na akala mo bawal ng magpahinga sa garden niyo. Napakaarte talaga ng kapatid mo kaya hindi kami magkasundo eh."I lied.But it's true na hindi talaga kami magkakasundo.

"Nah,whatever.Why don't you call your friends to come here now,we're done talking."Sabi niya.

"They're already here."I said.

"Hay,hay.Coach,bakit kay Edward mo lang sinabi lahat? Di mo ba kami mahal at sinesikreto mo sa amin ang tungkol dito?"Si Alexander.

"F*ck you."Singhal ni Dale.Tatawa tawa naman silang umupo.

"So tell us,bakit nga ba hindi ka namin nakilala kung galing ka rin pala sa BLACK PHOENIX? Kung naalala ko ang sabi mo nung nakaraan ay hindi ka sumali ng gang group?"Tanong ni Lukas sabay kuha ng drinks.

"Tss,malay ko sa inyo.Bakit kayo ba nakilala ko nung nasa grupo ako na yun? I really don't want to tell you what was my secret pero nasabi ko na eh."Singhal ni Dale.

"May point ka pero ang sabi mo last time na alam mo lahat ng tungkol sa amin di ba?"Dagdag naman ni Adrian.

"That's true,lahat ng lumalapit at nakapaligid kay Cassy ay inaalam ko lahat lalo na kapag lalaki na ang nakapaligid sa kanya.Except for one person."Aniya.

"And why is that?"Dagdag naman ni Adrian.

"Are you dumb or something? Obviously kailangan kong malaman at gusto kong malaman para kapag may nangyaring masama sa kapatid ko at kayo ang may kasalanan.Madali ko na lang kayong mahahanap at mapapatay."Si Dale.

"Relax,lahat tayo dito galing sa lang sa iisang grupo.Hindi ba dapat magtulungan na lang tayo na pabagsakin ang BLACK PHOENIX.Mas madali,mas maganda."Ngisi ni Adrian.

"I know what I'm doing at kaya kong pabagsakin ang BLACK PHOENIX kahit mag-isa lang ako."Ngisi rin ni Dale at tumungga ng bote ng beer.

"Pero mas mapapadali kapag tinulungan ka namin.We can back you up."Singit naman ni Cash.

"Sigh.Do what you want basta ako pababagsakin ko ang BLACK PHOENIX."He said.

"I'm the one who will destroy the BLACK PHOENIX."Sabi ko.Nginisian niya naman ako.

"Whatever...cheers."Aniya at nagcheers naman kaming lahat.

Madali lang palang makasalamuha tong loko na to eh magkakasundo kami kung ganyan lang ugali nito...tss.

To Be Continue....

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now