"I love you" jusme! bakit ba yan ganyan!

"I love you too" sagot ko tsaka ngumiti sa kanya.

"Hi Tyron" bati ni Unice na bagong dating tsaka lumapit sabay hawak ng braso ni Tyron. Nakaramdam ako ng konting selos kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Can i invite you for dinner tonight?"  tanong ni Unice kay Tyron pero hindi umimik si Tyron bagkus ay ipinulupot ang kamay sa braso ko tsaka sumandal sa balikat ko at pumikit.

"Tyron...p-pumapayag kana ba?" ngiting tanong ni Unice.

"Sino kaba para pumayag ako?" tanong niya kay Unice na ikinagalak ng puso ko.

"Dahil ba kay Jorgette kaya ayaw mo sa akin?!" galit niyang tanong. Pilit kong inaalis ang kamay ni Tyron sa braso ko pero mas hinigpitan pa ito.

"Obviously?" Sagot ni Tyron. Sa inis ni Unice ay padabog siyang naglakad papuntang upuan niya. Yari ako sa bahay mamaya.

"Bakit mo naman ginawa sa kapatid ko yon?" Kunyaring tanong ko kay Tyron.

"Are you crazy? Bakit ako papayag? siya ba girlfriend ko?" tanong niya na ikinangiti ko. Nakita niya ang maliit na ngiti sa labi ko.

"Isa pa, alam ko namang ayaw mo eh" ngiting sagot niya.

Natapos ang apat na subject nang walang pumapasok sa utak ko. Ang kulit at ingay ng apat sa likod ko, lalo tong Tyron na to. Akala mo mga bata, sa apat na subject na yun maraming beses na kaming nasusuway pero 'tong limang 'to patuloy parin sa pag-iingay.

Natapos na din ang maghapong ito na kumpleto ang araw ko. Nakasama ko si Tyron nang halos maghapon. Ngayon lang ata na hindi sila busy.

"Babe kain tayo sa labas" anyaya ni Tyron sakin habang nagdadrive pauwi.

Kami lang ni Tyron dito, yung apat kasi sa sasakyan na ni Clark sumakay. Ayaw din kasi ng mokong na to na may sumabay sa amin dahil storbo daw. Kaya heto, ihahatid na ako pauwi.  May kotse sa bahay at may driver kaso simula nung tumira si mom at Unice sa bahay hindi na nila ako pinapasakay dahil para lang daw kay Unice yon.

Kaya no Choice ako, kailangan ko mag taxi pero simula nung niligawan ako ni Tyron hanggang ngayong mag-iisang taon na kami. Siya na ang Naghahatid sa akin. Sa umaga dahil mas maaga naman akong pumapasok kay Unice, nagpapahatid na lang ako kay manong.

"Babe kailangan ko kasing umuwi ng maaga eh. May mga gagawin pa ako" pagtanggi ko pero hindi na siya umimik hanggang makarating na kami ng tapat ng bahay. Nandito na kami sa harapan ng bahay pero hindi parin siya nagsasalita kaya hindi pa ako lumabas. Hinawakan ko ang kamay niya pero iniwas niya.

"Babe" tawag ko sa kanya.

"Sige na, baka hinahanap kana sa inyo. May mga gagawin kapa" sabi niya. Lumabas ito tsaka ako pinagbuksan ng pinto nang hindi nakatingin sa akin.

Ayoko naman na ganyan siya sakin kaya bahala na mamaya. Hinawakan ko ang pinto ng kotse tsaka isinara. Napasalubong naman ang kilay niyang tumingin sa akin

"Mabilis lang tayo ah?" sabi ko na ikinalawak naman ng ngiti niya. Mabilis siyang umikot at pumasok sa kotse tsaka ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Thank you" sabi nito tsaka pinatakbo ang sasakyan. Dapat na ba akong kabahan mamaya pag-uwi ko ng bahay? Sanay na naman ako sa pananakit ni mom eh. Sa pananakit ng Step mom ko.

Nagtungo kami ni Tyron sa restaurant na pagmamay-ari ng magulang niya. Masaya kaming kumakain ng maalala ko ang oras. Gabi na pala kaya nagpaalam na ako kay Tyron na ihatid na ako. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa labi niya pero kailangan ko ng umuwi.

"Maaga kaba papasok bukas?" Malambing niyang tanong.

"Lagi naman eh. Kaya ikaw agahan mo" ngiting sagot ko.

"Haha. Sige. good night babe, i love you" sabi niya tsaka ako hinalikan sa labi. Nagtagal ito ng ilang segundo ng maramdaman kong gumalaw ang kanyang mga labi. Hindi ko mapigilang manlaban sa bawat init at tamis ng kanyang halik. Nang maramdaman kong bumababa na ang kamay niya sa dibdib ko ay agad ko siyang pinigilan.

"babe" suway ko sa kanya. Napatigil naman siya.

"S-sorry. Ang hirap magpigil" sabi nito sabay busangot. Napatawa ako, ang cute!

"Good night" sabi ko tsaka siya muling hinalikan sa labi tsaka ako umalis.

Habang papasok ako sa bahay, kaba at takot ang nararamdaman ko. Sigurado akong magkakaroon na naman ako ng pasa sa katawan na kailangang itago para hindi makita ni dad lalo na kay Tyron.

She's mine (BaFat#3)Where stories live. Discover now