Chapter 3

5.5K 104 12
                                    

Jorgette's POV

"Clark!" tawag ko kay Clark nang makasalubong ko siya. Ngayon lang ata na nahiwalay siya sa grupo.

"Oh Gette!" sambit niya sa pangalan ko. Inantay niya ako hanggang sa makalapit ako sa kanya.

"Saan ka pupunta? asan sila Tyron?" tanong ko tsaka sumabay sa paglalakad.

"Nasa room na kanina pa." Sagot niya tsaka kami sabay umakyat nang hagdan. Sa second floor pa kasi ang room namin.

"Eh ikaw, hindi ka yata nasabay ah" tanong ko.

"May pinadaanan lang si Tyron sakin kaya nahuli ako. Ikaw, aga mo ata ngayon?" tanong niya pabalik. Napatingin ako sa relo ko, 7:25 am palang at mamaya pang 8:30 am ang start ng klase namin.

"Palagi naman akong maaga. Parang ngayon mo lang alam, ah oo nga pala paano mo malalaman eh ngayon lang kayo maagang pumasok" Sagot ko. Humalakhak naman siya ng malakas kaya napatawa na din ako.

"Ang landi, boyfriend niya si Tyron diba? bakit iba na naman kasama niya ngayon?"

"Naku! makita sana ni Tyron yan!"

"Ang landi, ay ano to? fish ball piso dalawa? kinukulang ang isa?"

"Di makuntento"

"kawawa naman si papa Tyron"

Ilan lang yan sa bulungan ng mga tao habang naglalakad kami ni Clark papuntang room. Bakit ba ang iissue ng mga tao? Masama na bang makisabay sa kaibigan ng boyfriend? isa pa kaibigan ko din naman tong si Clark ah? bakit ba napaka issue ng mga tao sa mundong to?

"Huwag mo silang pansinin." Sabi ni Clark tsaka ako inakbayan at ngumiti. Nang makatapat na kami sa room mabilis kong inalis ang kamay ni Clark sa balikat ko, makita pa ni Tyron napakaseloso pa naman niya.

"Babe" bati niya sa akin tsaka ako umupo sa tabi niya. Agad naman niya akong hinalikan sa noo tsaka hinawakan sa kamay

"Arruuuyyy!!! umagang-umaga nilalanggam kami" Parinig ni Josh sa likuran namin.

"Aga niyo ata ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Eh nagmamadali yang si Tyron. Miss kana daw niya" kinilig naman ako don!

"Hmm. Magkasama tayo kahapon huwag kang ano" tumatawang sabi ko kay Tyron na nakangiting nakatitig sa akin.

She's mine (BaFat#3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora