Tumabang ang ngiti niya. "Marami talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Sayang din ang effort mo sa babae," sabi niya. Nakikisimpatiya na lamang siya.

"Siguro malas lang ako sa babae. Lahat kasi ng nagugustuhan ko ay napupunta sa ibang lalaki."

"Pero kung talagang mahal mo ang babae, hindi mo iisipin ang mga hadlang. Dapat matuto kang lumaban. May maibubuga ka naman," payo niya.

He stared at her seriously. "I know, but sometimes, an effort was useless kung talagang in love ang babae sa iba," sapagkuwan ay wika nito.

"But you have to try. Minsan kasi, kahit gaano kamahal ng babae ang partner niya, once nakatagpo siya ng higit pang pagmamahal sa ibang lalaki, hindi iyon basta mapipigilan. Tama ka, nasusulot ang pagmamahal. Minsan nga kahit kasal na, nababaling pa rin ang pagmamahal ng isa sa ibang tao," aniya.

"Well, you have a point. Pero depende rin siguro sa tao. For example, ikaw. Alam ko mahal mo ang boyfriend mo. What if ligawan kita? 'Tapos bigla kang nagkagusto sa akin. Handa ka bang iwan ang boyfriend mo para sa akin."

Alam niyang halimbawa lang pero nararamdaman niyang seryoso si Franco. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Lalong hindi niya alam kung ano ang isasagot niya na siguradong hindi siya magsisinungaling. Idinaan na lamang niya sa pagtawa ang kakaibang naramdaman niya.

"Don't laugh, I'm serious with our topic," saway nito sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa. "Uhm, pinapahirapan mo naman akong mag-isip," sabi niya.

"Hindi ka mahihirapan kung talagang mahal mo pa ang boyfriend mo at wala kang balak bigyan ako ng puwang sa buhay mo. Oo o hindi lang naman ang isasagot mo, eh."

Natigagal siya. Bakit gan'on? Bakit ako nahihirapang sumagot?

Bumuntong-hininga siya. "Bakit ako pa ang ginawa mong halimbawa?" natatawang tanong niya.

"Dahil may posibilidad na mangyari ang sinabi ko," mabilis nitong sagot.

Napatda siya. Matamang nakatitig lang siya sa seryosong mukha ni Franco. Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig? Hindi puwedeng tumagal ang usapan nila.

"Fine, I think we're talking too much. I love Cedric, at hindi pa naman lumalamig ang pagmamahal ko sa kanya," sabi na lamang niya para matapos na ang usapan.

"Pero aminin mo na may pagbabago na sa relasyon ninyo. You can't assumed that your relationship with Cedric was fine all the time. Maybe you're loyalty was enough, but what about him? Hindi mo basta-basta makakabisado ang mga lalaki. May kanya-kanya kaming style pagdating sa pakikipagrelasyon. Kaya ang mga babae ay numero unong dinadapuan ng sakit na paranoid once pumasok sa isang relasyon. Because they are clueless and vulgar. Hindi katulad ng mga lalaki na kadalasan ay tahimik lang. They are not a showy type but more on actions. So you can't predict what inside their mind while you're talking to them. Hindi mo alam, pinagtataksilan ka na pala," mahabang pahayag ni Franco.

Naalala na naman niya si Cedric at ang senaryong naabutan niya sa unit nito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay naroon pa rin ang pagdududa niya na hindi lang basta nagsauli ng libro si Lara. Sinasaktan pa rin siya ng senaryong iyon. Naging uneasy siya matapos mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Franco. Umiiral na naman ang pagka-paranoid niya.

"Uh, thanks for sharing your thought. So, okay na ba ang kasulatan natin?" aniya, pagkuwan ay iniba ang usapan.

"Oh, yes. Pipirma na lang tayo. Doon na tayo sa lobby," sabi nito.

Pagkuwan ay sabay na silang bumalik sa lobby. Tinawag ni Franco si Anton para maging witness nila. Pagkatapos ng pirmahan ay nagpaalam na siya sa binata. Sabay silang umalis ng bahay nito pero ito ay balalik sa opisina nito. Siya naman ay pauwi na sa bahay nila sakay ng inutang niyang kotse. Si Anton na ang nag-drive dahil wala pa siyang professional license.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora