11.19.19

0 0 0
                                    

rhapsodic
/rap-ˈsä-dik\

ang akitin ka'y
akitin ang sariling bansa

alayan ng matatamis na salita,
tapos hindi magiging puti
ang rosas na pula.

ang mahalin ka'y
mahalin ang sariling bansa

hindi nga? talaga ba?
huwag kang maniwala sa
kwento ng matatanda

ang ipagmalaki ka'y
ipagmalaki ang sariling bansa

insultuhin ka nang mabuti,
parang itinitinda
na tila bang isang malansang
isda.

ang ipaglaban ka'y
ipaglaban ang sariling bansa

sandali lang, ayoko na
wala pa akong ginagawa.

ang iwan ka'y
iwan ang sariling bansa.

teka, bansa ko nga ba?

***creds sa may gawa nung art!!! you are awesome (。ŏ﹏ŏ)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Word of Our Day (2019-2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon