11.12.19

0 0 0
                                    

devoir
/duh-vwahr\

"pwede ka namang umalis," kamo
napakamot na lang ako sa ulo
"pwede naman, kung pagod ka na"
naku, di ko alam kung maiinis ba ako o matatawa

sa gitna ng katahimikan,
wala akong mailabas na salita
ikaw naman, parang ewang
nakatingin sa labas ng bintana.

"tungkulin mo ang mahalin ako diba?" mayamaya ay sabi ko
napipilitan kang tumango
gusto kong tumawa
"ano sa tingin mo ang tungkulin ko?"

"ewan, inisin ako?"
naku, ayan ka na naman sa ugali mo
pero alam mo naman kapag ganito
lalapit at lalapit ako sayo
tapos sabay tayong titingin sa mga paputok
na kumukulay sa kalsada,
nakatago sa bintana,
"eto," sabay yakap.

"ang hindi umalis."

Word of Our Day (2019-2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon