ISANG TINGIN LANG! (one shot!)

8 0 0
                                    

Beeeep

Beeeep

Beeeep

"Sis? Gising na male-late kana monday pa naman?" Yugyog sakin nang ate ko.

Napadilat ako , Monday?lunes? Ahhhh! Wait for me andrew!? Dali-dali akung bumangon at tumakbo papuntang banyo at naligo.

"Wait for me Andrew maliligo lang ko pagkatapos nito makikita na ulit kita."

---- 30 minutes ----

*sa school*

"Oh Bess? Wala pa si Andrew hinay-hinay lang." Sabi nang best friend kung si kayla .

Sa subrang pagmamadali kasi muntikan nakung madapa wala pa rin pala si Andrew.

"Ayy, late? Di bale Bess, makikita rin natin siya mamaya sa lunch." Puno nang kumpyansa kung sabi sa best friend ko.

"Sige , sige , matahimik ka lang." Nakangiting sabi sakin ni Kayla.

Naglalakad na kami papasok sa building namin nang bigla magsalita ulit si Kayla.

"Bess? Mahal mo na ba talaga si drew? Di pa naman kayu nag-uusap ah?" Tanung niya sakin.

"Bess naman, parang di mo naman alam na simula nang makita ko siya lagi nakung parung tanga sa kakasunod sa kanya." Sagot ko naman.

"Eh, Bess? Ingat ka Jan sa pagmamahal mo sa kanya ha? Baka masaktan kalang sa huli?" Si Kayla.

"Ba't naman ako masasaktan? Eh, sigurado naman ako pag nagkakilala kami siguradong maiinlove din yun sakin?" Buong tiwala kung sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo? Iisang school lang oh, eh. Di ka nga niya tinitingnan eh.?" Sabi niya.

Tutuo naman yun kahit isang tingin wala nga. Pero Ewan ko ba? Tinamaan nga siguro ako sa kanya kasi kahit di niya ako kilala at tinitingnan buo parin ang loob kung sundan at mahalin siya kahit sa malayo lang.

Graduating na si Andrew ngayong taon, 4 months nalang at di ko na siya makikita magsisimula na siyang mag kolehiyo. Sana kahit isang tingin man lang pagbigyan niya ako.

"Basta Bess, ingatan mu lang na di ka masaktan ha? Alam mu naman na mahina ang puso mo diba?" Concern niyang paalala sakin.

Ngumiti nalang ako at tumango bago kami nagpatuloy sa paglalakad, naisip ko bigla.

'Mahina nga ang puso ko Bess, pero si Andrew lang ang patuloy na nagpapalakas nito.'

May butas kasi ang puso ko nang ipanganak ako ni mama. Kaya lagi nila akung pinapa-ingat at hindi pinapagod.

Nagpatuloy ang isang buong araw na nakangiti Ako at tinatanaw si Andrew habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

*** Friday ****

Sinalubong ako nang best friend ko pagkapasok ko palang sa gate nang campus namin, parang takot siya at ninerbyos .... At may halong .... Concern?
Bakit? Anung meron?

"Anung problema kay?" Tanong ko sa kanya habang papasok kami.

"Kasi-"

may sasabihin sana siya kaso tinakpan ko yung baba niya at parang tangang nakatitig kay Andrew na nakikipag-usap sa kaibigan niya.

"Lingon ka naman oh?tingin ka naman? ISANG TINGIN LANG?" Hiling ko habang naka tanaw sa kanya.

Maya-maya lang bigla siyang lumingon at inilibot ang tingin niya tapos tumama sakin , ngumiti Ako bigla dahil sa gulat tapos ngumiti din siya bago bumalik sa pakikipag-usap.

NGUMITI SIYA

NGUMITI SIYA SAKIN....

"Bess? Ngumiti siya sakin.?" Sabi ko sa kaibigan ko at hinarap ko siya pero nakita kung tumutulo ang luha niya , bigla niya akung niyakap.

"Bess , bakit? May problema ba?" Tanung ko.

"Kasi Bess , si Melanie at Andrew." Iyak niya.

"Anung meron sa kanila?" Takang tanung ko.

"Bess.?

.

.

.

Wag kang mabibigla ha?

.

.

.

.

.

.

.

.

Sila na Bess."

"Hindi naman tutuo yan eh." Sabi ko pero unti-unti nang nabubuo ang luha ko.

Lumingon ako pabalik kay Andrew at tama nga magkahawak-kamay sila ni Melanie papasok sa building.

"Per- ... Pero . . . Nginitian niya Ako . . . Tumingin pa nga siya sakin eh . . . "

Umiiyak kung sabi, tiningnan ku ulit sila Andrew pero sana di ko ginawa mas nasaktan pako nang makita kung hinalikan ni Andrew si Melanie at niyakap ito.

Ang sakit hindi ko magawang huminga akala ko balang araw mapapansin niya ako balang araw bago siya gumraduate makikilala ko pa siya mamahalin pa niya ako hindi na pala mangyayari yun? May mahal na siyang iba eh. Lumabas ako nang gate at nagsimulang maglakad habang umuulan at umiiyak nasa tabi ko si Kayla at nakasunod sakin.

Bakit ganun? Siya lang naman ang hiniling ko ah?pero nangyari naman ang isang bagay sa hiling ko. Tumingin siya sakin at ngumiti pa.

Nanghina ako at natumba hindi ako makahinga at unti-unting bumubigat ang mata ko, tiningnan ko si kayla nakaupo siya sa tabi ko at umiiyak may sinasabi siya pero di ko marinig. Ngumiti Ako at sinabi. . .

"Bess, ISANG TINGIN LANG , Bess tumingin siya at ngumiti sakin. Bess nakita niya ako."

Patuloy lang siyang umiyak at tumatango , ilang segundo pa pinikit ko na ang mata ko at niyakap ang dilim na sumakop sakin pati na ang paghinto nang puso ko.

Isang tingin lang . . . nagawa niya. Mahal na mahal kita andrew . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISANG TINGIN LANG! (one shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon