Part 1...

158 4 2
                                    

"Anak!!" sigaw nang mama ko sa akin.

"bakit ma? ang ingay mo naman akala ko anu nang nangyari sayo! " -Ako

"ibili mo ako nang MECHADO ngayon na.!" - Mama ko

"Ano ka ba nay ? ang layo kaya nang palengke at malapit nang magdilim oh!" reklamo ko sa kanya.

"At ano ngayon huh? eh gusto kong kumain ng MECHADO ! alam mo naman'g paborito ko yun! oh ito, magmadali ka."-sabi nang mama ko sabay abot sa pera.

Wala na akong magawa, kahit ganyan ang mama ko, mahal ko yan.. Nagbihis na ako at tumuloy na sa biyahe, medyo malayo kasi ang palengke namin.. Sa bukid kasi kami nakatira at kailangan ko pa pumunta nang bayan.. at dadaan pa ako ng ilang bundok.. 

Nang sasakay na sana ako sa trycicle,..

"Oh, ineng san ka pupunta?" -kapitbahay namin.

"Sa palengke lang ho nang Iseng, nagpabili kasi si nanay ng MECHADO." sabi ko at nagpaalam na.

Nang dumating na ako sa palengke, agad kong pinuntahan si Nang Taling.....

Si Nang Taling ang nag tinda ng pinakamasarap na MECHADO sa palengke at suki na nya kami.

"Oh nandyan ka pala joanne! tamang-tama ka-iinit lang nitong MECHADO na paborito nang mama mo" -Nang Taling

"naku mabuti naman ho, yan talaga ang sadya ko. Maghihintay nalang ho ako dito" -Ako

Habang  naghihintay sa MECHADO, napatingin ako sa aking orasan,

"naku,  6pm na pala" sabi ko sa isip.

"Oh eto na joanne, ingat ka't napaka init nyan" - nang taling

"maraming salamat ho nang taling, eto ho ang bayad at mauna na ho ako" -sabi ko

"oh sya sege, mag ingat sa pag-uwi huh?" -nang taling

Naghintay na ako nang trycicle....

..

..

pero wala talagang trycicle.. kaya nagpasya nalang akong maglakad habang mag-abang nang trycicle.. naglakad lang ako nang naglakad,   wala talagang trycicle na dumadaan..

7 na nang gabi.. pero wala paring trycicle .... "lalakarin ko nalang ito" -sabi ko sa isip

May parteng madilim ang daan buhat nang napalaking agwat nang mga poste.. at walang tao na naglalakad oh kahit na makasalubong ko man lang..

kinakabahan na ako.. pero binabalewala ko lang ang kaba ko.. dinadaan ko lang sa pagkanta..

at nang may nakita akong matanda sa unahan.. ngumiti aku..

"hays! salamat at may tao akong nakita!".. syempre masaya ako..

pinuntahan ko ang matanda at bumati "magandang gabi ho manang!"...

pero wala itong imik.. nakayuko lang ito at hindi nag response..

naalala ko tuloy ang sabi nang kuya ko..

*flashback*

"kapag bumati kayo sa isang tao at hindi ito nag response, ibig sabihin yan, hindi sya tao.."

"eh ano sya kuya? hayop?" .. -ako

"hindi rin sya hayop"...

"eh, ano nga?" -ako

"ASWANG !!"

*end of the flashback*

Tumayo lahat ang balahibo ko.. at nag uunahan ng takbo kung anu mang hayop meron ang puso ko.. tumingin aku sa matanda..

Lumingon ito.....

Dahan dahan........

Masama ang tingin nya sa akin at Nanlilisik ang mapula niyang mata....

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Itutuloy ... .... ..... ................... ..........

TINATAMAD PO KASI AKO... kaya sundan nyu nalang...

Ano kaya ang nangyari kay joanne ?

Maraming salamat ho.. kung meron mang nagbasa..

COMMENT PO.. AT TSAKA VOTE NARIN!!  :)

Maraming Maraming salamat...!!!

NANG DAHIL SA MECHADO...Where stories live. Discover now