Tinext ko yung bestfriend ko na magkita kami sa labas ng school namin, may kailangan lang akong sabihin sa kaniya.
Hindi na ako naghintay ng reply niya dahil alam ko namang darating 'yun.
At 'di nga ako nagkamali, minuto lang ang lumipas, nakita ko na siyang tumatakbo patungo sa kinaruruonan ko.
Ngiti agad ang salubong ko sa kaniya.
"Tars!" Ani ko.
Ngumiti naman siya kagaya ng ginawa ko.
"Upo muna tayo Tars, napagod ako dun. Pagkabasa ko pa lang ng text mo tumakbo agad ako. Yung text mo kasi 'kala ko kung napano ka na. Pinag-alala mo 'ko." Halata naman sa mukha niya ang pagod kaya naupo na kami.
Para yatang nahaplos yung puso ko sa sinabi niya. I know it's cliche, pero ewan ko ba, hindi lang yata ako sanay sa mga sinabi niya.
"Sorry na. May sasabihin lang kasi ako sayo." Napatingin siya sa gawi ko.
"Ano 'yun. Ba't di mo nalang sinabi sa text?"
"Ayoko! Gusto ko sa personal." ani ko. Napatango naman siya.
"Ano yun?" napataas 'yong dalawang kilay niya, tila ba naghihintay ng sasabihin ko.
"Ano kasi Tars, ahm... U--" nabitin yung sasabihin ko nang tumunog yung telepono niya.
"Sandali Tars, tingnan ko lang 'to" tumango nalang ako.
Nakita kong napangiti siya ng malapad, kaya alam ko na kung sino yung nag text sa kaniya.
Napakamot siya sa batok.
"Tars sorry. Si Lia kasi nag text. Tars kami na! Sh¡t kami na! " napatalon siya sa saya. Ang lapad ng ngiti niya. Ang saya saya niya.
Napangiti ako ng mapait. Dapat masaya ako na may girlfriend na yung bestfriend ko 'di ba? Dapat kasi hinanda ko na yung sarili ko, dahil alam ko naman na may posibilidad na mangyari ang nangyari ngayon. At heto nga nangyari na.
Tinapik ko yung balikat niya
"Congrats!"
Hindi naman yata importante sa kaniya yung dapat na sasabihin ko. Magpapaalam lang naman ako, uuwi ako sa amin sa makalawa. Nagka girlfriend lang, etsapwera na ako. Napangiti ulit ako ng mapait.
His choice but never the priority.
Always the bestfriend but never, and will never be the girlfriend.
YOU ARE READING
The CHOICE, But Not The PRIORITY [One-Shot]
Teen FictionPlease bear with me. This is my first ever story in watty. Thank You! '^,^'
![The CHOICE, But Not The PRIORITY [One-Shot]](https://img.wattpad.com/cover/206241439-64-k115271.jpg)