Someone in Between

2.5K 77 13
                                    

Tumatakbo ako,

Takbo ng takbo.

Hinihingal na ako.

Gusto ko ng lumayo.

Lumayo sa kanila.

Tumakas sa aking tadhana.

Ayoko na.

Bakit ako pa?

Hanggang sa matalisod ako sa isang puno at madapa.

Ramdam ko ang sakit ng tuhod ko.

Naupo ako at sumandig sa puno.

Pumikit habang nakatingala at umiiyak.

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng ulan.

Basang-basa na ako pero mas mabuti na yun sa isip-isip ko pagkat dinadala ng ulan ang mga luha ko.

Maya-maya'y tumila ang ulan kasabay nun ay ang aking pagdilat.

Maliwanag na pala.

Kitang-kita ang mga pulang dahon ng puno na animo'y apoy na nagsasayaw.

May lumapit sa akin.

Nakatayo siya sa aking harapan.

Nagkatitigan kami at mayroon akong nakita.

Nakita ko ang ginawa niya sa mga Liwanag.

Ang mga walang awa niyang pinatay.

Nawala bigla ang aking nakita pero kami'y magkatitig pa rin.

Naramdaman ko na lang na basa ang aking mga kamay at nang tignan ko'y nagitla ako sa aking nakita.

Duguan ang aking mga kamay at may hawak na punyal.

Muli kaming nagkatitigan. Hindi ko maaninag masyado ang kanyang mukha ngunit ang kanyang mga mata..



Ay tulad sa akin.


Mga bughaw na mata.


Hinahangos akong nagising.

Pinapawisan ng malamig.

Panaginip lang pala..

Pero paano kung malaman nila kung sino talaga ako?

Isang liwanag at isa ring dilim? Someone in between.


Ano ang pipiliin ko?

THE CLUB II: REVELATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon