June 20, 2018.
"Hayyyyst Balik eskwela na naman.
Ano kaya ang mga mangyayari?
Bagong Teacher, Bagong Kaklase, Bagong Uniform, At syempre panibagong karanasan."
Yan ang mga bagay na naiisip ko habang ako'y kumakain nang aking breakfast.
Pagkatapos nun ay ako'y nag handa na para pumasok sa unang araw nang eskwela.
"Wow, andaming Tao sa labas nang gate pucha mala MRT" yan ang aking nasabi nang ako'y makarating sa gate nang eskwelahan.
"Di pa siguro nag papapasok yung gwardya nang eskwelahan, Kaya mala rush hour sa MRT yung senaryo"
Tumingin muna ako sa paligid upang hanapin yung aking mga kaibigan ngunit ako'y bigo.
Nahiwalay ako sakanila. Iba sila nang section. Naisip ko "pano kaya toh?"
At nang sandaling iyon ay nag papasok na ang gwardya nang eskwelahan.
Kami'y pinadiretso sa covered court upang magparticipate sa flag ceremony at makinig sa mga sasabihin nang directress.
Habang nasa kalagitnaan nang pag aanunsyo yung directress, Isan Scout ang lumapit sakin at sya'y may pinahawak na Illustration Board na may nakalagay na section namen.
"Naging signboard pako amputa" sabi nang isipan ko saken.
Nang matapos ang lahat nang iyon, kami ay pina punta na sa aming mga silid aralan.
Nang ako'y makarating, Nakita ko na yung mga iba ko pang kaibigan.
Kami'y nag kulitan kaagad, at Nakita ko yung mga Bagong estudyante na nag tataka kase napakaingay kaagad namin.
Dumating na ang aming first period teacher, Sya'y may pinagawa. Ang aking kinatatakutan, ang pagpapakilala sa harap nang klase. At ayun na nga, ako'y namalas pa kase ako yung unang na tawag upang magpakilala sa unahan. Ang pangalan ko nga pala ay Christopher Gamboa, o mas kilala sa tawag na "Sean" o Kaya Naman "Chris".
Teka fast forward ko muna HAHAHA.
Nang mag science na, halos ganun den ang nangyari pero medyo na iba Lang nang onti. Kami'y pinabilog nang aming guro at kada may makakatapat kame na kaklaseng babae, magpapakilala kame at makikipag shake hands.
At dun na nga nagsimula yung totoong storya.
Siguro tatapusin ko muna ito dito, Abangan yung kasunod Hahahaha.
YOU ARE READING
Nasan na?
Short StoryA man named Chris falls in love with a girl who didn't love him back and give him traumatizing pain to his heart. Note: This story is based on real life events.
