PIRENA:Mag-ingat ka naman mahal,para di ka mapahamak!

AZULAN:Sa susunod mag-iingat na ako. (Saka tumakbo sa kinaroroonan ni Deshna upang tulungan ito)

AGATHA:Di mo talaga makakaya na mawala ang iyong hari Pirena. (Sarkastiko nitong sabi)

PIRENA:Ano naman ngayon?! Ipinahalata mo lang na hindi mo kayang harapin ng harap-harapan ang iyong mga Agatha pagkat sa likod ka umaatake!

Sa di kalayuan ay nakita ni Mira ang kanyang Yna sa kinaroroonan Agatha kaya agad siyang nagtungo doon upang tulungan si Pirena sa pagharap kay Agatha.

MIRA:Yna!

AGATHA:Tamang-tama ang iyong pagdating Diwani dahil sabay-sabay ko na kayong papatayin!

MIRA:Dami mong sinasabi,kahit kailan hindi mangyayari ang sinasabi mo!

AGATHA:Lapastangan!

Saka sinugod ni Agatha si Mira kaya nilabanan naman siya ng Diwani gamit ang kamao ni Emre saka tinulungan din siya ni Pirena sa pakikipaglaban sa Hara ng Niyebe.

Nang mapansin ni Agatha na matatalo siya ng mag-ina ay naisipan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihang niyebe saka tinapatan naman ito ni Pirena ng Apoy.

AGATHA:Hindi na ako papayag na mapagkaisahan niyo Ako!

PIRENA:Siguraduhin mo lang Agatha na mapanindigan mo ang iyong sinasabi!

MIRA:Paano kaya kung gamitin ko ang ang aking kapangyarihan ano kaya ang mangyayari!(Saka ginamit ang kamao ni Emre at nagpakawala ito ng kapangyarihan)

AGATHA:Tanakreshna!(Saka nag-ivictus)

Sa biglaang pagkawala ni Agatha ay nagtaka si Mira at Pirena kung saan ito patutungo kaya naisipan nilang sundan ito.

SA HILAGANG BAHAGI NG GUSALI

Nakita ni Memfes na naglalaban na si Andora at Alena kaya naisipan niyang tulungan ang kanyang katipan sa pakikipaglaban.

ANDORA:Memfes Rehav ng Adamya handa ka na bang mamatay ulit?

MEMFES:Baka ikaw ulit ang babalik sa balaak!

Saka sinugod ng Rehav si Andora tapos nagtagisan sila ng galing sa pakikipaglaban.

ALENA:Mag-ingat ka Mahal!

Nasipa ni Andora ang Rehav kaya napaatras ito tapos si Alena naman ang lumaban sa Mashna batid ni Andora na hindi na niya mauutusan ang isipan ng mga Sangre pagkat may basbas na sila ni Emre kaya naisipan niyang kontrolin ang isip ng ilang mga kawal celestial.

ANDORA:Inuutusan ko ang inyong isipan na inyong kalabanin sina Alena at Memfes!

Bago pa umepekto ang kanyang kapangyarihan ay dumating si Angelo tapos tinanggal niya ang sumpa ni Andora.

ANDORA:Tanakreshna!(Saka nag-ivictus)

Tapos sinundan naman siya nila Alena.

SA SILANGANG BAHAGI NG GUSALI

Nang maubos nila Danaya at Aquil ang mga kalaban na nakapalibot sa kanila ay agad namang sinamantala ni Lucio ang pagkakataong makalapit sa mag-asawa

LUCIO:Maganda ang naging laban niyo kanina ngunit tingnan natin kung hanggang saan ang galing niyo sa pakikipaglaban kung makakaharap niyo ako!

DANAYA:Kay lakas naman ng iyong loob para manghamon Lucio,huwag kang masyadong mayabang baka pagsisihan mo ito sa huli!

LUCIO:Huwag ka ring masyadong mapagamataas diwata pagkat hindi mo pa natitiyak kung ano ang kaya kong gawin!

AQUIL:Hindi mo rin batid Lucio kung ano rin ang aming kayang gawin!

LUCIO:Tingnan lang natin!

Saka sinugod ni Lucio si Aquil at tumulong naman agad si Danaya nagsimula na nga silang magtagisan ng galing sa pakikipaglaban ilang sandali lang ay gumamit na ng kapangyarihan ang Hari ng Hades sinakal niya sa Aquil gamit ang kanyang kapangyarihan.

DANAYA:Aquil!

Mabuti nalang na naabutan ito ni Lira kaya nagpakawala ang Diwani ng kapangyarihan kaya nabitiwan ni Lucio ang Mashna saka dinaluhan siya agad ni Danaya.

DANAYA:Ayos ka lang ba Aquil?

AQUIL:Oo Danaya ayos lang ako.

DANAYA:Kami ng bahala dito tulungan mo nalang ang mga kawal.

AQUIL:Sige at mag-ingat kayo Ni Lira.

DANAYA:Pangako mag-iingat kami.

Saka naglakad si Aquil palayo.

LIRA:Pashnea ka Lucio!

LUCIO:Lira Diwani ng Sapiro!

LIRA:Ako nga,ngayon tayo naman ang maghaharap!

LUCIO:Kung iyan ang iyong nais!

DANAYA:Kami ang tatapos sa laban na sinimulan mo!

Nagsimula naman silang maglaban ulit at gumamit na naman ng kapangyarihan si Lucio at tinapatan naman ito ni Danaya at Lira.

LUCIO:Kahit pa anong lakas na pwersa ang gamitin niyo ay di niyo madadaig ang aking kapangyarihan!

LIRA:Di pala madadaig ha!

Saka nagbitiw ng malakas na pwersa si Lira na siyang dahilan na mag-ivictus si Lucio at sinundan naman nila ito.

SA TIMOG BAHAGI NG GUSALI

Nang makarating na sina Amihan at Cassiopea sa kinaroroonan ni Ether ay sarkastiko naman itong bumati sa kanila.

ETHER:Avisala mga diwata!matagal na panahon din bago tayo nagkaharap -harap ulit!

CASSIOPEA:Siyang tunay batid ko na hindi ka titigil hangga't di mo nakukuha ang nais mong mapasakamay mo ang mundo!

ETHER:Oo at kung magtatagumpay kami ay ang Encantadia at Elementia naman ang aming isusunod!

AMIHAN:Mangarap ka lang ng gising Bathaluman dahil kahit kailan ay hindi mo makukuha ang iyong nais!

ETHER:Tingnan lang natin kung ako ang mangyayari Hara!

Tapos ay nagsimula nang labanan ni Amihan at Cassiopea si Ether ilang sandali lang ay dumating si Minea upang tulungan sina Amihan.

MINEA:Tamang-tama pala ang aking pagdating kasisimula palang ng laban!

ETHER: Masaya akong makita kang muli Hara Durye!

MINEA:Wala akong panahon na makipag-usap sa iyon Ether,baka nakalimutan mo na may atraso ka pa sa akin!

ETHER:HAHAHA!😈 kailan pa ako nagka-atraso sa iyo Minea?! mabuti pang tapusin na natin ang laban na ito!

CASSIOPEA:Mabuti pa nga!

Ang unang sumugod kay Ether si Amihan pagkatapos ay tumulong naman si Minea nasipa ng masamang bathaluman si Amihan kaya napaatras ang Hara saka sumugod si Cassiopea.

Ilang sandali lang ay nagpakawala ng kapangyarihan si Ether tinapatan naman ito ni Cassiopea,Amihan,at Minea.

ETHER:Malakas man ang inyong pwersa ngayon ngunit mas malakas ang aking pwersa!

Saka may malakas na yapak na nanggaling sa kabilang banda at yumayanig ang  lupa kapag naglakad ang mga ito.

Sa pagdating nila Pirena sa bandang timog bahagi ng gusali ay hindi nila inaasahan ang kanilang nakikita.

PIRENA:Tanareshna!

Heto na kaya ang magiging katapusan?

ITUTULOY SA SUSUNOD NA MGA KABANATA

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon