54th Chapter "Badtrip"

Magsimula sa umpisa
                                    

Natigilan kaming lahat. Binitawan na ni ate Xena ang mga pisngi ko at tumigil na sa paghahabulan sina kuya Trion at kuya Lucas. Nganga si ate Xena habang diring-diri naman ang itsura ni ate Ally. Nakakadiri naman talaga.

"Jazi *sniff* ilang taon mo na tinatago sa amin ang tunay mong pagkatao?"kuya Trion na maiyak-iyak na.

"Oo nga kuya *sniff* ilang taon na?" kuya Lucas na maiyak-iyak na rin. Ang o-oa talaga ng mga kuya ko. Tss.

Nagtagal ang ganoong posisyon nina kuya Jazi at kuya Jasper. Maya-maya'y itinulak na ng malakas ni kuya Jazi si kuya Jasper.

"Kadiri kang g*go ka! Bakit mo ako hinalikan?!"inis na sigaw ni kuya Jazi kay kuya Jasper nang makatayo na sila. Pandi punas tuloy ngayon si kuya Jazi ng labi.

"Hoy! Hindi kita hinalikan! Aksidente ang nangyari!" sigaw naman ni kuya Jasper na pandi punas na din ng labi.

"Now I know. Kaya pala hindi ako magustuhan ng isa dyan dati." sabi ni ate Ally na halatang pinaparinggan si kuya Jazi.

"Bro, bakit wala kang sinasabi sa amin? Tanggap ka naman namin eh." kuya Trion na lumapit kay kuya Jazi sabay pat sa likod nito.

"Oo nga kuya. Maging sino ka man."lumapit din si kuya Lucas at tinapik-tapik din ang likod ni kuya Jazi.

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA! PINAPALABAS NYO BA NA BAKLA AKO?! EH YANG JASPER NA YAN NGA ANG BAKLA EH! HINALIKAN AKO!" galit na galit na inalis ni kuya Jazi ang mga kamay nila kuya Trion at kuya Lucas na nasa likod nya.

"For your information, I know Jasper too well at hindi sya bakla! Mahal nga ako nyan eh! Diba bestfriend?" sabi ni ate Ally kay kuya Jazi pagkatapos ay tumingin naman sya kay kuya Jasper.

"Oo Ally, mahal kita." seryosong sabi ni kuya Jasper.

"Mahal din kita Jasper." sabi naman ni ate Ally..

"Tsk! Magbestfriend nga kayo diba?! Kaya hindi nyo na kailangang ibalandra ang pagmamahalan nyo dahil lahat naman ng magkakaibigan ay nagmamahalan!" inis na sabi ni kuya Jazi.

"Eh paano kung sabihin ko sayo na.." lumapit si ate Ally kay kuya Jazi at tinignan mata sa mata.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon