“H-hindi pwede maging tayo at h-higit sa lahat, h-hindi kita m-mahal.”
Ito yung pinakamasakit na salitang hindi ko kayang panindigan, inshort isa lamang ‘kasinungalingan.’
“kaya kong talikuran lahat ng meron ako, para sayo”. Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya at higit sa lahat, dahil nakikita ko sa harapan ko na nasasaktan ang taong mahal ko.
“S-sorry, hindi sana aabot sa ganito”. Humihikbi kong sabi sakanya.
“H-huwag kang humingi ng sorry. I-ipaglalaban kita, ipagsisigawan ko sa buong mundo na mahal na mahal kita, tandaan mo yan.” lalo akong napaiyak sa sinabi niya.
Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Ramdam ko ang pagmamahal niya, ramdam ko kung gaano siya nasasaktan sa sitwasyon na meron kami ngayon.
At napag isip-isip kong...
‘Hindi ako susuko, lalaban ako’. Ipaglalaban ko ang meron kami.
“Ako yung amo mo, kaya lahat ng sasabihin ko, susundin mo”. Kahit alam kong may luha pa ang mga mata ko, napangiti ako.
Napangiti ako dahil, kahit nasasaktan siya pinaparamdam niyang siya parin ang boss na nakilala ko. Siya parin ang lalaking kinababaliwan ko.
Siya parin yung pinaka bossy na nakilala ko.
Pero kahit ganun, mahal ko to'ng lalaking to, kahit ganito ang ugali nito.
Wala akong pinagsisisihan na nakilala ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon, ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mag utos ng mag utos, ang lalaking laging naka poker face, lalaking walang kahit na anong emosiyon.
YOU ARE READING
My Cold Hearted Boss
Teen FictionThis story is all about the boss and his employee.
