Finale

10.6K 265 16
                                    



PUMASOK NA SILANG LAHAT sa loob ng bahay niyaya ni Janine si Mico na sumama na rin.

"Hija, maupo kayo ng kasama mo. Dahil ang lalakeng ito muna ang haharapin ko!"wika ni Jay sa dalaga.

" Salamat po sir,"tugon nito.

"Maiwan ko muna kayo ha. Mag papahanda ako ng pagsasaluhan nating!"paalam ni Veron.

"Sige Veron, at kakausapin ko naman si Carlos."

Tumango si Veron asawa at kaagad na siyang naglakad patungo sa kusina.

"Ngayon anong gusto mong mangyari, Carlos, bakit ka naririto diba may asawa kana?!"medyo napataas ng boses si Jay.

Tumingin muna si Carlos kay Janine. At binigyan niya ito ng ngiting may kasigaraduhan.

Abot-abot naman ang kaba ni Janine, pero na e-excited siya sa sasabihin ni Carlos.

"Isa lang po ang gusto kung mangyari sa ngayon daddy, ang hingin ang kamay ng honey ko po sa inyo,"dahil sa sinabi ni Carlos hindi napigilan ni Janine ang mapaluha napangiti naman si Jay sa sinabi niya.

"Teka, diba may asawa kana? Pinaglololoko mo ba kami ha!"

"Hindi po Daddy, serious po ako. Asawa wala po?"

"Wala? Paanong wala. Eh, nalaman namin na ikinasal kana, anak ka ng ina mo ginagalit mo ako, Carlos!"

"Yes, totoo po Daddy, pero divorce na kami, because she's lying on me, tungol sa anak namin. I find out na hindi ko na anak ito, that why I'm here now, Daddy. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo."

"Tarantado ka pala, nagpaniwala ka kaagad! Sinaktan mo ang anak ko sa ginawa mo!"

"I know that, Daddy. Kaya nga po ako narito para punuan ang pasakit na binigay ko sa honey ko, please Daddy, gave me your blessing to marry your daughter!"

Ngumiti na si Jay ramdam naman niya ang sinsiridad ng binata."Well, kailan mo balak na pakasalan ang anak ko, Carlos?"

"Kung puwede kahit ngayon na po, Daddy."

Napangiti na si Janine."Carlos, dika naman yata atat na pakasalan ako ah?"

"Well, hindi nga Honey ko, but I can't wait lang naman na makasama ka habang-buhay."

"Ehemmm, nagsasabi kanang pakasalan mo ang anak ko nasaan ang sing-sing mo, Carlos?"

"Don't worry Daddy, boy's scout yata ito laging handa,"sagot ni Carlos sa magiging biyanan. At siya ay lumuhod sa harapan ni Janine.

Natigilan naman si Veron dahil yayain sana niyang mag miryenda muna ang mga ito. Tama naman na kadadating ng kambal na sina Luis at Lyka. Natigilan din ang dalawa dahil sa nakita nila si Mico wala rin imik.

Ang dalawang dalaga wala rin kaimik-imik nakikinig sila sa pinag uusap ng mga kaharap.

"Janine Ramirez, honey ko. I LOVE YOU SO MUCH, WILL YOU MARRY ME?" sabay bukas niya sa isang kahita.

Hindi napigilan ni Janine ang sarili napahagulgo siya tumango na lang siya sa binata.

"Pssstt, tama na iyan iyak mo honey, makakasama sa baby natin," pinunasan niya ang luhang umaagos sa pisngi ni Janine.

"Ikaw kasi pinaiyak mo ako!"lumuluhang tugon niya pero naka ngiti na.

"This ring honey ko, tanda ng pag-ibig ko saiyo na walang hangangan, I love you hindi ako nangangako pero gagawin ko ang lahat to make you happy," dahan-dahan niyang isinuot ang sing-sing sa daliri ni Janine.

Pagkatapos maisuot ni Carlos ang sing-sing. Hinawakan naman ni Janine ang mukha niya sa dalawang palad nito.

" I love you too, Carlos. Wala na akong mahihiling pa dahil narito kana,"siya pa mismo ang humalik sa labi nito.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Where stories live. Discover now