Chapter 04

8K 202 1
                                    



PAGDATING nang dalawa.
"Oh, Janine, Lyka, saan ba kayo galing na dalawa ha, kanina ko pa kayo hinahanap?"turan ng kanilang ina pag kapasok palang nila sa loob ng bahay ng Lolo at Lola nila.

"Mommy, diyan lang po sa labasan,"si Lyka.

Napansin ni Veron ag hawak ni Lyka."Ganun ba, teka saan naman kayo kumuha ng mangga ha?"

" Mommy, nag lakad-lakad lang po kami diyan sa tabi ng may nakita po kaming mangga kaya kumuha po kami ni ate Janine,"sagot ni Lyka.

" Nanguha O, binigay sa inyo?"

" Wala pong nag bigay mommy, kinuha po namin doon sa puno ng mangga?"

" Ano? Sandali nga di kita maintindihan anak, Janine, ikaw nga ang mag explain kong bakit may dala kayong mangga ha?"baling niya sa dalaga na walang kaimik-imik na nakangiti pa rin dahil sa ng yari.

Napakunot ng si Veron ng tumingin sa anak."Janine, are you okay?"

Napangiti si Lyka she knows why her sister like floating in the air.

"Ate, ikaw daw sabi ni mommy?"

" Ho? doon po sa puno ng mangga, mommy," pa gaya nilang sa sinabi ng kapatid.

" Kayong dalawa, pinag loloko ba ninyo ako ha, I know that na sa puno ng mannga ninyo kinuha, may question is. Bakit kayo kumuha hindi naman sa atin at nagsabi ba kayo sa may-ari na kukuha kayo ng mangga niya?"sermon ni Veron sa dalawang anak.

" Mommy, nung una hindi po namin sinabi pero dumating po iyun, si cute na nag aalaga ng kalabaw sa kanya pala ang mangga kaya humingi kami."

" Mabuti naman kong ganun siya ba ang kumuha para sa inyong dalawa, ikaw ba, Lyka?"

" No mommy, si Ate po."

" What? Janine anak, umakyat ka na ganyan ang suot mo my God naman anak!"

Pinag lakihan naman ng mata ni Janine ang kapatid dahil sa sobrang daldal nito.

" No mommy hindi po ako umakyat."

" Then how you get that fruit? Nahulog ba sa lupa, sa tingin ko hindi kasi parang bagong pitas lamang ito."

" Mommy, dont get mad okay, ganito po kasi si cute na nag aalaga ng kalabaw, binuhat niya si Ate. I mean is itinaas siya nito para maabot ni ate Janine, ang bungga ng mangga, diba ang galing mag-isip ni cute na nag aalaga ng kalabaw."

Napa ngiti naman si Veron sa kuwento ng anak.

" Sandali nga sino ba iyan cute na nag aalaga ng kalabaw ha. At di ka man lang nagalit sa ginawa niyang pag buhat saiyo Janine?"

" Mommy, no big deal naman po ang pag buhat niya sa akin tinulungan lamang niya ako para makuha ko ang bungga ng mangga."

" Ehemmm, Ate diba iyan din ang sinabi saiyo ni cute na nag aalaga ng kalabaw, pero dika naniwala, tapos ngayon iyan ang sinasabi mo kay mommy oyyyy si ate!"turan ng kapatid niya.

" Hoy! Lyka, tumigil ka na diyan ha, napipikon na ako saiyo kanina kapa eh!"

"Ate, dont be like that okay, sige ka lalo kang ma inlove kay cute na nga aalaga ng kalabaw,"wika nitong muli kaya naman isang batok ang ibinigay ni Janine sa kapatid.

" Arayyyy! naman Ate, masakit ah, mommy si ate oh binatukan ako."sumbong ni Lyka sa ina sabay himas sa batok.

"Oh, anong ingay iyan ha, kay aga-aga eh nag dra-dramahan kayong mag-iina dito? Oh, Lyka anak anong nangyari saiyo bakit mo hinihimas iyan batok mo? "puna ni Jay sa ginagawa ng anak.

I LOVE YOU MR. MAGSASAKA (SCANDAL 4)Where stories live. Discover now