"Take it," lakas-loob kong sinabi. Humalakhak ang lalaki. "But before you do it, face me."

Hindi ito tumugon. Naramdaman ko ang paglapit niya, pinananatili ang bagay na iyon sa batok ko. Ang mga mata ko ay natutok sa monitor ng TV, sinusuri ang repleksyon ng kabuuan niya bagaman malabo ko iyong nakikita. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking pisngi at gustuhin ko mang umiwas ay naestatwa na ako.

"Siguraduhin mong hindi ka na manginginig kapag hinamon mo ako," pabulong niyang sinabi sa matigas na tinig. "Hindi mo ako kakayanin. Hindi ka alisto."

"Kunin mo na ang lahat nang kailangan mo."

"Pagbisita ang pakay ko."

"Para saan ang pagbisita mo?"

"Para lumihis kayo sa dinaraanan ko."

"Just get straight to the point! Damn it!" nanggigigil kong singhal. Wala akong magawa at iyon ang gumagalit sa 'kin.

Muli kong naramdaman ang hininga niya sa aking tainga. "Pigilan mo ang pamilya mo sa pakikialam sa plano namin sa mga Enrile. Kung hindi ay patuloy kayong madadamay. Isang babala iyan para sa iyo, kaibigan, at isang beses ko lang iyang sasabihin. Sa susunod na pumasok kayo sa aming gulo, isa-isang mababawasan ang lahi ninyo." Mahaba niyang sinabi.

Binaril niya ang TV, napayuko ako sa gulat. At bago pa man ako mag-angat ng tingin ay hindi ko na siya nakita. Natigilan ako, hindi ko naramdaman ang paglayo niya. Lalo na ang pagpatay niya sa mga switch ng ilaw.

Nanlulumo akong naupo sa sofa at tiningnan ang magulo kong bahay. Who the hell was that? Gusto kong ikahiya ang sariling kahinaan. Dahil sa kaba ay hindi ko yata naintindihan ang mga sinabi niya.

Natinag akong muli sa malakas na katok mayamaya. Wala akong inaasahang bisita. Sino naman kaya ito? Dahan-dahan akong lumapit, nagdalawang-isip pa bago iyon binuksan. Ginulat ko ang sarili nang mapagtantong si Heurt pala iyon.

Damn! Nakahinga ako nang maluwang. "Come in." Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako.

"Ayos ka lang ba, Maxwell?"

"Yeah, I'm okay," hindi ko alam kung tama bang isagot 'yon. "Good evening, what are you doing here?"

"Tinawagan ako ni Maxpein. What happened to you?"

Napabuntong-hininga ako. Siguradong nag-alala ang prinsesa ko. "It's a very long story, Heurt."

Dumeretso ako sa kusina at ipinaghanda siya ng tubig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. Hindi ko naitago ang panginginig ng kamay. Hanggang ngayon ay naro'n pa rin sa 'kin ang nakapangingilabot na pakiramdam at pangamba.

Sinuyod ng tingin ni Heurt ang kabuuan ng bahay ko, sinabayan ko siya. Napapikit ako nang masulyapan ang magulo kong mga gamit. Nagkalat ang mga throw pillow at ilang basag na picture frames sa sahig. Maging ang component ko ay nasira at nagkalat ang parte sa kung saan.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari," humarap muli siya sa 'kin.

I sighed. "May pumasok dito. Hindi ko kilala. Hindi ko alam kung ano ang gusto no'n at niloob ako."

"Niloob? Ano ang nawala sa iyo?"

"Wala."

"Sigurado ka?"

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon