"H-hoy! Saan ka pupunt— tssk."

***

Nagising ako nang maayos na pakiramdam ko agad naman bumungad sa akin itsura ni Ian.

"Uy. Ayos ka na?" Sabi nya kaya nginitian ko sya bago umupo.

"Oo ano ba namgyare?"

"Nahimatay ka sabi nung nurse sa puyat lang daw yan saka ano.." umiwas sya ng tingin. "Monthly peroid." Namumula nyang sabi.

Ah oo nga pala ganito kasi ako minsan tuwing nagkaka monthly period nagsusuka saka nahihilo sa unang araw lang naman yun tapos mawawala na, nilibot ko paningin ko kaya papa tahimik wala si Emma.

"Nasaan si Emma?" Tanong ko kay Ian.

"Ewan ko ba dun bigla na lang umalis. Tsk. Yung babae talaga na yun." Tumayo na ako okay naman na ako kaya aalis na ako ng clinic.

Pero laking gulat namin dalawa ni Ian may mga nagtatakbuhan na estudyante palabas ng school. Nagkatinginan kami at pareho kaming naguguluhan kaya sinundan namin yung mga estudyante.

"Nako. Nakakatakot yung mga lalaki sa labas! Iniisa isa yung mga lalaki dito!"

"Kahit mga guard hindi sila mapigilan natatakot din."

"Omg ano kaya meron bat biglang may ganon."

Yun lang naririnig namin habang papalapit sa may gate nakipag gitigitan kami ni Ian hanggang mapunta kami sa harap at pareho pang nanlaki mata namin.

"DAMN IT! SINO BA SA INYO HA?! HINDI BA KAYO MAGSASALITA?!"

"ANG LAKAS DIN NG LOOB NYO GALAWIN KAPATID KO! LUMABAS KA KUNG SINO KA MAN TARANTADO KA!"

Sila kuya at Damon, nagwawala sa harap ng school kunpleto nga silang pito pati yung kay kiya kumpleto sila pero ang mas nakakagulat nandon din si Emma.

"Hala anong meron?" Naguguluhan kong tanong kay Ian.

"Tsk. Mukhang masama pakiramdam ko dito eh, tara lumapit tayo." Naglakad kami papunta sa kanila nanlaki pa mata ni Emma nang makita nya ako at nagmadaling lumapit sa akin.

"Huhuhuhu besaywap! Sorry huhuhu."

Ano? Naguguluhan ko syang tinignan habang si si Benhamin mahina syang binatukan.

"Ikaw may gawa nito no? Jusko Emma sabi ko sayo magrelax ka eh!" Sermon ni Ian dito.


Okay?? Anong pinag uusapan nila?

"Waaaaaaaaah!! Sorry na Benhamin malay ko ba!!! Waaaaaaah!!"

"MIRACLE!!" biglang lumapit sa akin sila Damon sa ka kuya.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin ha?!" Galit na sabi ni kuya.

"Ano b—"

"Mira naman! We're your friends sana man lang nagsumbong ka!" Erin

"Akala namin nabantayan ka namin ng maayos hindi pala." Cael

"Ha? Ano bang sinas—" di ko nanaman natuloy yung sinasabi ko.


"Kelan? Saan? Paano?!" Aiden

"Wag kang matakot Miracle!" Greg

"T-teka nagu—" aisssh! Hindi ko na matapos yung sinasabi ko.

"I love you Angel you know that right? Tayanggapin kita t-tanggapin k-ko yung b-bata basta magsabi ka lang." malungkot na sabi ni Damon.

Ha??

The Seven Deadly Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon