“So meaning to say, si Tita G ang gumawa ng first move?”

Wala na kasi kaming magawa e ayaw pa naming umuwi. Nakapag-asikaso naman na kami kaya okay na mag-hayahay. Parents na raw nain ang bahala magbayad ng tuition. Nakakuha na rin kami ng schedules namin for the first day. Mas maganda nang habang maaga pa ay ayos na ang lahat para hindi mangarag sa mismong araw ng pasukan. Ang hirap ding makisabay sa maraming tao nun. Bukod sa mainit, masikip, siguradong makaka-encounter ka na ng mga scenes tulad ng singitan sa pila, talakan dahil mga naiinip na and such.

Nagkuwentuhan na lang kami dito sa may bench pagkalabas ng gate 3 ng DLSU.

“Literally, yes pero emotionally, no. Si Mommy lang ang naging dahilan kung paano sila nagkakilala pero si Daddy ang gumawa ng moves though may sinusunod si Mommy na steps kaya may moves dins iya. Basta ganun.”

“Ang cute naman.” Nakakatuwa lang dahil ang unique ng love story nina Tita G at Tito George. I hope, someday, kasing cute noon ang magiging love life ko. “Pero sino yung nagapadala nung e-mail?”

“Kilala mo si Prof Lourd? Yung Auntie ni Daddy?”

I nodded. Nakwento niya na sakin dati na kamag-anak niya si Prof Lourd.

“Yung asawa ni Gran, si Tito Ronald, siya ang secret admirer ni Mommy na nagpadala nung e-mail saka text message.”

“Text message?”

“Yes. Nung kinasal na sina Mommy, syempre, maraming problems kapag mag-asawa na, may nagpadala ng text kay Mommy, who is no other than Tito Ronald, na 10 ways to a happy and successful marriage. Pero ang twist dun, siya ang nagbigay nun pero siya rin ang nagtangkang sumira sa kanila.”

“Ohh. Well, pagdating talaga sa love, kung anu-ano ang nagagawa ng tao.”

We took a sip of our drinks. Nagkasabay pa nga kami. Pareho pa kaming nakatulala sa mga sasakyang nadaan. Kwentuhan pa more!

Pinatigil ko muna siyang mag-kwento about kina Tita G. Sabi ko sa kanya, basta may time kami na ganito, alone time with each other (alone tapos with each other?) , kukwentuhan niya ako. Nakaka-admire kasi. I want to know more. Lalo na kung paano nila kinaharap ang mga pinagdaanan nila at kung bakit hanggang ngayon kahit na ang tagal-tagal na nila ay sobrang sweet pa rin.

“Okay. Ikaw naman magkwento.”

I told him about that time when I experienced to have a broken family. Ilang buwan din kaya masasabi kong naging broken talaga ang family namin.

“Nagkalabuan sina Mommy at Daddy siguro dahil sa work, wala silang time sa isa’t-isa, hindi ko alam yung main reason, e. Hindi ko na rin inungkat dahil more than okay naman na sila ngayon. Basta ang nagyari, nagkaron si Mommy ng karelasyon. Si Daddy din pero ang nakilala ko lang ay yung kay Mommy.”

“Nakilala mo?”

“Yap. Akala siguro ni Mommy ay hindi na talaga sila magkakaayos ni Daddy kaya pinakilala niya na sakin for good yung other guy niya. Mabait naman pero syempre nothing can replace my dad. Kahit bata pa ako nun, naiintindihan ko na. Tapos, hindi ko na alam ang buong nangyari dahil iniwan ako ni Mommy sa mga lola ko. Pero one day, kinausap ako ni Mommy. She told me she’s pregnant. Hindi muna ako nagsalita hanggang hindi siya tapos dahil ayokong mag-conclude. Ayokong isipin na tuluyan ng masisira ang pamilya namin dahil sa batang nasa tiyan nya nun. Hanggang sa sinabi niyang anak nila ni Daddy yun. Kapatid ko talaga. That’s the time na unti-unti, they settle their issues.”

“Buti naman at nagkaayos na ngayon. Hindi ko pa masyado nakakausap ang dad mo pero I know she’s a nice person so as your mom.”

“Oo. Nagmana ako sa kanilang dalawa.” I said a-matter-of-fact. “Naalala ko pala. Nagkwento din pala si Dad sakin nung bago kami lumipat dito sa Dasma. Muntik na ring masira yung relationship nung pamilya ng nakarelasyon nila ni Mommy. Yung kanya raw parang dalaga pa, e pero yung kay Mommy pamilyado pero walang anak or hindi yata magka-anak yung asawa. Siguro pag talaga may pinagdadaanang mabigat, okupado ang isip, nakakagawa tuloy ng mali.”

“May kakilala rin akong ganyan ang nangyari, e. Best friend ni Mommy. Si Tita Blessie. Hindi kasi siya magkaanak dahil sa stress asa pagtatrabaho. Wala rin silang time sa isa’t-isa ng asawa niya kaya nagkaron ng third wheel si Tito Patrick.”

“Tito what?”

“Don’t tell me?”

What a small world!

“Di nga?”

“Yes. Ang mommy mo ang naging karelasyon ni Tito Patrick na asawa ng best friend ni Mommy.”

Bigla akong kinabahan. I don’t know why.

I Love ViewWhere stories live. Discover now