Chapter 18 Oh noes!

19.2K 126 45
                                    

Author's Note

Sana po wag naman masyadong demanding ang mga readers kaka UD ko lang UD agad? Di ako nag UUD ng bara bara kasi ayokong ma compromise ang story ko. At higit sa lahat may buhay din ako bukod sa wattpad. Nag aaral at nag wowork ako at the same time so my mga times na di ako nakakapag UD agad.

Hobby ko lang po ang magsulat sa wattpad at hindi po eto full time job mga kuya at ate. Pang tanggal ko lang siya ng stress pero dahil sa mga comments ng ibang readers nakaka buset minsan. Minsan tuloy nawawalan ako ng gana magsulat dahil sa mga harsh comments.

Kung walang sasabihing maganda manahimik nalang -___-. Ikaw nalang magsulat ng HSH ako mang ookray. Di naman ako professional writer para mag demand sa akin ng sobra sobra.

Respecto nalang po sana. . Salamat

*********



Chapter 18 Oh noes!

“Cassilda anong nangyayari dito?” tanong ni Charles sa kapatid na hanggang ngayon ay tulala padin.

Lintik anong ginagawa ni Charles dito?

Nakatulala padin si Cassie. Baka isipin ng mokong na to na ginahasa namin si Cassie kaya tulala.

Nagtitinginan ng masama si Charles at Cloud. Si Florence at Camille naman naka dila lang kay Cassie.

Intense to pare!

“Oh Lex anong ginagawa mo dito?” nakita kong papalapit si Pip.

Ramdam kong parang mas magkakagulo pa dito. Andame ng nakatingin sa amin.

“May shooting ba? Bakit andameng gwapo??”

“Ang cute cute ng dalawang bata”

At kung ano ano pang comments ng mga chismosa at usisero ang narinig ko.

“Oh Pip!” bati ko sa kanya.

“Kuya Pip!” sigaw niFlorence. Nako nako.Away nanaman eto. Crush ni Cassie si Pip and crush din niFlorence si Pip.

“hello baby girl” bati ni Pip kayFlorence.

“eh! Anong baby girl” nag iinarte nanaman kapatid ko. Kaloka. Natalbugan pa ate niya sa panglalalaki.

“Cloud si Philip nga pala office mate ko” pakilala ko.

“Pare! Musta na!” bati ni Cloud kay Pip.

“Ayos lang pare. Kelan ka pa dumating?”

“Kanina lang. Hello Camille”

“Hi Kuya Philip ^__^” kumapit sa magkabilang braso ni Philip si Camille atFlorence

“So magkakilala kayo?”

“oo isa ding malandi yan si Philip” sabi pa ni Cloud.

“ahem ahem” singit ni Charles.

“oh Charles anjan ka pa pala” bati ko sa kanya.

“kyaaah! Philip bakit andito ka? Na-miss mo ba ako?” sigaw ni Cassie.

“Hindi ikaw sadya ko dito. Nakita ko kasi si Florence at my labs kaya lumapit ako”

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Where stories live. Discover now