Chapter 22 Let's play habulan gahasa

16.3K 120 37
                                    

Sa mga di nakabasa ng part two ng halloween special ng He's so Hot nasa profile ko po yung link. NAKA PRIVATE po siya. Kapag Private Fans lang pwede makapagbasa. Gets?

If your not yet a fan sa profile ko nasa ilalim ng aking profile pic ang word na "BE A FAN" click niyu lang. Minsan di ma access yung private parts ng wattpad due to some technical watsover. Wag niyu naman i flood inbox ko para magtanong ng paano ganito paano ganyan. please learn how to read. And lastly, it is kinda short update since i'm so busy this week and hopefully next week back to normal na sched ko.

Wag masyadong demanding. Di biro ang magsulat. Wala akong sweldo sa pagsusulat ko dito sa watty, I did this for fun hindi para mas madagdagan pa stress ko sa buhay. Dont forget to read SEDUCING MR. PERFECT...nasa profile ko na to yung story na yun. Its the story of Mitch. Lexie's bestfriend. . and salamat sa support at patuloy na pagbabasa ng HSH. 300k reads na tayo. Ambilis lang. .. 

Enjoy reading. . i'll try to update asap. . kapag natapos na tong mga kailngang tapusin sa school. . 

**********************************

Chapter 22 Let’s play habulan gahasa

“joke lang! eto naman di mabiro” katakot. Gahasa agad? Di ba pwedeng ligaw muna.

“takot ka naman pala e”.

“Andame mong alam!”

“Munchkin!”

“Bakit?”

“Laro tayo!”

“Laro ng?”

“Habulan gahasa!”

“loko ka Charles!”

“Sayo ko naman natutunan yang habulan gahasa!”

“Expression namin yun ni Ulap e” biglang nag iba expression ng mukha niya. From makulet na Charles biglang naging serious. Ano naman kaya nasinghot nito?

“Labas na tayo ng kwarto.Baka hinahanap na tayo sa conference” nag nod lang ako.

Lumabas kami ng kwarto ng magkahawak kamay. Ayaw niya bitawan kamay ko e. Hindi naman siguro ako mabubuntis kung hahawakan niya kamay ko diba?

Kung ano ano iniisip ko. Tsk tsk. Pinagtitinginan kami ng tao. Malamang lang CEO pala tong si Charles slash Andrew Mercado. Feeling ko ampoor ko kapag katabi ko siya.

Kaliwa’t kanan tumitingin sa amin. Sinubukan kong tanggalin kamay ko sa pagkakahawak niya. Pero fail hinigpitan pa niya lalo. Naiilang kase akong pinagtitinginan kami ng tao.

Di ako sana’y na center of attention. I’m always invisible. Eto ako ngayon na feeling isang specimen sa loob ng isang slide sa microscope. Kung ano ano nanaman pumapasok sa isip ko. Napa-praning nanaman ako.

Nakaupo kami ngayun, Isang malaking table kami nakaupo. Kasama yung mga executives ng company nila. Nakaka hiya. Di ako prepared. Dapat nakapag kulot muna ako. :D

Nag lunch nangangalay na kamay ko. Hawak hawak niya padin. Di tuloy ako makakaen ng matino. Ansarap pa naman ng puds. Di pa nakuntento sa holding hands sinusubuan pa ako ng pagkaen. Super PDA. PDA? Di ba sa mag jowa lang yun? Di naman kami mag jowa. Aish ewan -___-.

“Masarap?” tanong niya sa akin habang sinusubuan niya ako ng lasagna.

“oo masarap. Pero mas masarap kung ako kakaen ng sarili ko. Pwede mo namang bitawan kamay ko. Di ako makakaen ng maayos. Kaya ko naman kumaen ng magi sa. Ano tingin mo sa akin stroke? -___-“

“Hindi. Tingin ko sayo baby munckins ”,  [no comment]

See? Di talaga ako mananalo kapag bumanat na tong si Charles ng kalandian.

Whew salamat tapos  na conference. Bored na bored na ako, Ano ba malay ko sa marketing echusen na yan.

As of 6PM in the evening. . hawak niya padin kamay ko. Dalawang beses niya lang binitawan kamay ko. Una ng nag CR siya at pangalawa noong nag CR ako. Imba lungs.

“Mr. Mercado! Pwede ba kitang makuhanan ng picture?” tanong ng isang lalaki na may hawak na malaking camera. Press siguro.

“Sure” nag smile siya. Naglakad nasana ako palayo dahil ayoko naman maki join sa picture picture niya since camera shy ako.

Hinawakan niya ako sa beywang at kinabig papunta sa tabi niya. Quota na to sa akin si Charles.

“Sir another shot” gulat ako sa next na ginawa niya. He kissed my hands sabay shot naman ng camera.

Feeling ko pulang pula na mukha ko.

“Thanks Sir Mercado. And you are?” tanong sa akin ng camera man.

“Alexie Aragon” sagot ko.

“Thanks Ms. Aragon. Nice shot” sabi ni camera man at umalis din maya maya

Nice shot? Di kaya Mukhang mongoloid ako sa picture na yun?

“Bakit mo ginawa yun?” tanong ko kay Charles.

“because I want to tell everyone that you’re only mine”

“yours?” windang naman ang lola sa narinig ko.

“Yes mine.”

“At bakit naman?”

“A lot of guys are checking you out Lexie”

“Don’t be ridiculous Charles. Checking me out? Sa panget kong to”

“You don’t know how attractive you are today”

“Feeling ka masyado Charles. Hindi naman tayo”

“Yes I know. But I will make sure that you’ll be mine” he whispered in my ears. Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.  

“ha?”

“I said. You’re mine. Understand?” di ako sumagot. Makapang akin naman ano tingin niya sa akin stuff toy?

“good evening Mr. Mercado” kaliwa’t kanan na bait sa kanya. Ako naman nakayoko. Siya lang naman binabati hindi ako di ba.

Andito kami sa may suite namin. Isang malaking suite siya na two bedrooms. Susyal five star hotel yata to.

Nag half bath lang ako at humiga na sakamako. Inaantok na kase ako. haggard na haggard kase ako papunta dito di kase ako sanay sa byahe.

“okay ka lang?” umupo si Charles sakama ko.

Nag nod lang ako.

“Masakit ulo mo?”

Umiling ako. Hinawakan niya ulit kamay ko and planted small kisses on it.

“Kala ko may masakit nanaman sayo. Nakalimutan ko na mabilis ka pala ma car sick. I won’t forget it again”

“Ayos lang naman ako”

Pumipikit na talaga mata ko. Naramdaman ko na inangat niya ulo ko at sinandal sa dibdib niya.

Nag hum siya ng kanta. Familiar yung kanta. Di ko lang maalala dahil di na nagfu-function ng matino ang utak ko.

****

Regarding Chapter Dedications. Kung sino man mauunang mag comment sa chapter sa kanya ko i-dedicate yung chapter. Game?  :)

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon