--------END------

29 1 0
                                    

Eto ang wakas na di niyo aakalain :')

"Pero di mo naiintindihan...",

Sa sobrang inis ko binabaan ko siya ng cellphone.

Ayoko na siyang balikan, dahil nagpapaalala lang siya ng masakit na nakaraan...

2 days later

*Kring* *Kring* -cp

calling... 09--------

Binura ko na ang number niya ah, tawag pa rin siya ng tawag.

Di ko alam sa mga sandaling iyon na sinagot ko pala ang tawag niya.

"Hello? Diba sabi ko wag na kayong tatawag?",

"Winnie, ~si Riy-you-ougi patay na!",

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya, hindi ako makagalaw, hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang mawawala na siya.

Tumakbo ako ng tumakbo habang inaalala ang sinabing ospital ng ate ni Riyougi.

Frankenstein Hospital 2nd floor sa may room 12.

Ng makapunta ako sa room na iyon nakita ko si Riyougi may kumot na nakapatong sa buong katawan niya.

Hindi ko mapigilang umiyak.

Niyakap ko ang bangkay niya at umiyak.

"Riyougi, gumising ka! Tama na ang biro! Gising! Gising! Sabi mo diba mahal mo ako? Pinapatawad na kita! Hindi na ako nagbibiro! Riyougi! I Love you! I Love you!", paulit ulit kong sinasabi ang I Love You sa kaniya at patuloy din ang pag agos ng luha ko.

Kung pwede lang sanang baguhin ang lahat at ibalik sa dati ang aming samahan, edi sana di na humantong ang kwento nito sa malungkot na ending.

Nakiramay ako sa puntod ni Riyougi nalaman ko rin na 2 months na siyang nakaconfine bago pa kame magkakilala at comatose siya nun. Nalaman ko rin na sa kalye kung saan namatay ang papa niya ay sa kalye kung saan ko rin siya nakita at ang mas ikinagulat ko pa ng malaman na kasama siya ng kanyang tatay ng mga sandaling iyon. In short kaluluwa niya ang kasama ko sa 4 weeks, 4days, 4 minutes and 4 seconds na iyon. Naalala ko rin sa salitang chinese na ang 4 means death, sana pala pinatagal ko ang panahong kasama ko siya. Nagising daw siya sa pagka comatose ng tumawag ang ate niya, di niya daw ito sinasagot dahil baka wrong number lang daw. Baka kaya di siya nagpakita sakin ay dahil nabuhay na siya nung mga panahong iyon, ngunit hindi ko alam na ako rin pala ang siyang dahilan kung bakit siya namatay. Ako ang siyang dahilan ng pagkabuhay niya at dahilan ng pagkamatay niya.

Nakaharap ako ngayon sa puntod niya may dalang boquet of flowers para sa kaniya, tanda na di ko siya malilimutan at ang pagmamahal na binigay niya. At maluha luha ko itong sinabi...

"Riyougi! Paano ba yan? 4th year na ako!? 1 year na ang nakakalipas pero patuloy ka pa ring gumugulo sa isip ko! Dapat pala hindi na kita pinakawalan dapat pala binigyan kita ng chance para makapagsalita, dapat pala..", hindi na ako nakapagsalita ng marinig ko ang isang tinig na parang sumabay sa ihip ng hangin, malumanay pero narinig kong dumaan sa aking tenga.

Wala kang kasalanan, mahal kita!

Tumingin ako sa paligid, wala akong makitang tao, alam kong siya ang nagsalita, bumuhos ang luha ko sa kaliwang mata ko at naramdaman ko ang isang dampi ng hangin, sa luha ko, na para bang sinasabi ni Riyougi na wag ka ng umiyak.

Pinigilan kong umiyak at ngumiti sa harap ng puntod niya.

Kakayanin ko to, mlalagpasan ko rin ito, para sa iyo Riyougi!

"Hindi ko akalain na sa kalyeng iyon nag umpisa at nagtapos ang lahat pero kahit walang forever at happy ending sa story natin pipilitin kong mag create ng new story dahil hindi sa ending ng story nagtatapos ang story ng isang tao",

:) :) ------------End

----------------------------------

Sa mga bitin, may bagong story si Winnie pag nagustuhan niyo ito at nagcomment kayo! :D

KALYE (Six-Shot)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें