REGRETS

9 2 0
                                        

Month of November isn't just about creepy or spooky experiences, it is also about the memories you've had with your live ones.

—————

I sat on my bed and sigh. I didn't expect that I would do such a stupid thing.

Pinagsisisihan kong magsaya habang sila nag-aalala at naghahanap sa'kin. Birthday kasi ng kaibigan ko kahapon which is October 31, so nagkayayaan sa bahay nila. Ang plano ko ay saglit lang ako doon at uuwi din kaagad dahil baka hanapin na 'ko. Hindi kasi ako nagpaalam dahil alam ko namang hindi din ako papayagan. Masyado silang strict eh, lalo na si mama.

Nasa legal age naman na kami kaya nagkaroon ng konting inuman. Hindi ko na namalayan yung oras kaya inabot ako ng 3AM. So nagmamadali na kong umuwi that time.

Pagdating ko sa bahay galit na galit si mama, si papa naman pinagsabihan lang ako tapos pinaakyat na ko sa kwarto ko. Papa's girl ako eh tsaka only child pa. Kaya lang si mama hindi talaga nagpaawat, binungangaan ako.

Kesyo daw napaka-suwail ko, hindi daw tamang umuwi ako ng ganoong oras, lasing pa daw ako at amoy sigarilyo. Honetly, I didn't smoke. May ilan sa kasama ko na nanigarilyo, siguro dumikit lang yung amoy sa'kin.

I tried to explain everything pero hindi nakinig si mama. She even slapped me at sa parteng yun ay narindi na talaga ako at sinagot ko si mama.

"Ma, tama na nga pwede ba?!" those words are like swords that hit my mother's heart. Inataki sa puso si mama at isinugod sa ospital.

Can you imagine that? Nakita kong naghihingalo ang nanay ko dahil sa kagagawan ko. Pakiramdam ko isa na kong kriminal. Kung maibabalik ko lang ang lahat sa simula, gagawin ko. Kaya lang hindi eh.

Tahimik lang kaming pareho ni papa habang hinihintay ang paglabas ng doctor mula sa operating room. Hindi ako umiimik dahil alam kong galit si papa. I can't face his anger. Magalit na sa'kin ang lahat 'wag lang si papa.

Nang lumabas ang doctor at sinabing malala ang kalagayan ni mama at posibleng hindi na siya magising ay nanghina ako.

Theanhey what have you done?

"Thean, get out." maawtoridad na sabi ni papa.

"Pa?" hindi pa nagsi-sink in sa'kin yung mga nangyayari.

No, this is impossible!

"I SAID GET OUT!" sigaw niya na ikinaluha ko.

Hindi pa ako nasisigawan ni papa ng ganon kaya umiiyak akong tumakbo palabas ng ospital.

Umuwi ako sa bahay at nag-impake. I don't know kung pa'no pa 'ko makakaharap kay papa ngayon. I've decided na pumunta muna sa kaibigan ko at doon magpalipas ng gabi.

Kinausap naman ako ng kaibigan ko at ng family niya din na kailangan kong bumalik sa'min dahil kahit anong mangyari ay pamilya pa din daw kami at magulang ko pa din sila.

Nung madaling araw na ay napagpasiyahan kong bumalik na sa'min. Hindi ko kayang malayo kila papa. Nagpaalam na ako sa kaibigan ko at nagpasalamat na din.

Sa ospital muna ako pumunta dahil baka hindi pa umuuwi si papa. Nung patawid na ko at papunta sa ospital ay may naka-motor na humarurot at tinangkang kuhain ang bag ko.

Hindi naman sila nagtagumpay dahil hindi ko talaga binitawan yung bag ko, nandon kasi lahat ng mahahalagang bagay na pag-aari ko. Pati yung mga ibinigay ni papa at mama sa'kin dati kaya nakipagpwersahan talaga ako.

Medyo nakaladkad ako pero gasgas lang naman yung inabot ko.

Sus, wala palang binatbat yung mga 'yun eh.

Nung papasok na ko sa ospital ay bigla akong kinabahan. I don't know pero bigla akong tumakbo papunta sa kwarto ni mama. Alam ko yun dahil nabanggit nung doctor kung saan ililipat ng kwarto si mama.

May mga nakasabay pa akong doctor at nurse na mukhang papunta din do'n. Sinilip ko muna ang loob kwarto ni mama. Yung mga doctor at nurse ay may kung ano-anong chinecheck kay mama.

Nang makita kong gising na si mama ay napangiti ako kasama ng pagpatak ng luha galing sa mata ko. Hindi ako pumapasok sa loob dahil hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa nanay ko.

Nakita ko naman si papa sa bandang dulo ng hallway ng ospital. Mukhang may kung anong bumabagabag kay papa. Kusang kumilos ang mga paa ko na parang may sariling isip na lumakad papunta sa pwesto ni papa.

"Pa, sorry po. 'Wag na po kayong magalit sa'kin. Please." umiiyak na paumanhin ko.

Nagulat ako nang biglang humagulhol si papa. Parang sinagasaan ng paulit-ulit yung puso ko nung makita siyang umiiyak.

Eto yung unang beses na nakita kong umiiyak si papa, masakit sobra. Yung makita kong umiiyak yung magulang ko sa harap ko mismo ay napakasakit na, mas masakit pa sa break up.

Tumigil saglit si papa sa pag-iyak at pumasok sa isang kwarto

Ay okay pa, sige. Galit ka sa'kin kaya dedma lang ganon? Hays.

Sino kayang pupuntahan dito ni papa? Imposible namang si mama kasi nasa ibang kwarto yun. Baka kaibigan niya.

Pumasok nalang din ako para makahanap ng sagot sa tanong ko.

Nakita ko si papa na lumapit sa kama na mukhang may nakahiga pero may takip na puting kumot sa buong katawan.

Lumapit ako kay papa at nagulat ako nang tanggalin niya ang pagkakatakip ng kumot sa mukha nung taong nakahiga. No, this can't be! I'm here! Pano mangyayaring ako ang nakahiga sa kamang 'yan?!

"Thean, I'm so sorry anak. Kung hindi kita pinaalis, wala ka sana diyan ngayon. Patawarin mo ko anak." umiiyak na wika ni papa.

Dumating ang dalawang pulis na dala ang bag na dala ko kanina.

"Sir, eto ho yung mga gamit ng biktima. May dalawang lalaking naka-motor ang umagaw niyan sa kaniya pero hindi niya binitawan. Mukhang nataranta yung isang nakasakay kaya binaril ang anak ninyo."

Binaril? Ako?! Wtf?!

"No! This isn't happening! This can't be! Nakaligtas ako diba? Nakarating pa nga ako dito! Gumising ka nga, Theanhey binabangungot ka lang!" pinipilit kong magising pero wala eh. Mahirap magising kung mananatili ka ng tulog.

Hindi ko namalayan na nakaalis na pala ang dalawang pulis at naiwan si papa.

"I'm so sorry anak. Hindi naman talaga ako galit sa'yo. nag-alala lang talaga ako sa mama mo at nagulat na din. Sana mapatawad mo pa ko anak. I love you." sabi ni papa habang nakayakap sa katawan kong wala ng buhay.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Okay lang 'yun papa. Sorry din po, kasalanan ko din naman eh. Mahal ko din po kayo ni mama."

-END-

One Shot CompilationOnde histórias criam vida. Descubra agora