Chapter 16

24K 537 5
                                    

Lia

 

                Masalimuot ang pinagdadaanan ko. Araw-araw lumalala ang morning sickness ko. Bakit kung kailan malapit na ang kabuwanan ko na ay saka ako nagduduwal? Hirap kumain dahil napakapili ko. Pero oras na sumayad naman ang anumang pagkain sa bibig ko ay kaagad na akong magduduwal.

                Sometimes, nahihiling ko sana nasa tabi ko si Andrei. Para may karamay ako. Para may hahagod sa likod ko at magassabing okay lang ang lahat.

                Ngunit mas madalas ay sarili ko lamang ang aking kasama tulad ngayon. Halos maglupagi ako sa banyo at yakapin ang toilet bowl dahil sa pagbaligtad ng sikmura ko. Maluha-luha ako ng matapos ang ‘morning ritual’ ko. Nagtungo ako sa salamin at napaismid dahil ang pangit-pangit ng nakikita kong repleksyon doon. My own reflection! Malalim ang aking mga mata. May nakapalibot pang itim na pabilog sa ilalim noon. Nangangamatis ang ilong ko. Maputla ang aking mga labi. Gulu-gulo ang buhok ko na pwede ng gawing pugad ng mga ibon.

                Uminit ang ulo ko. Ayoko ng ganoong itsura. Mabilis akong naghalungkat sa cabinet at naghanap ng anumang pampaganda. Kunut ang noo ko ng makakuha ng baby powder at suklay. Hindi sapat ang mga iyon para magmukha akong fresh.

                Malakas ang tahip ng dibdib na lumabas ako ng banyo. Animo’y susugod ako sa giyera anumang oras. Nakasalubong ko si Tiffany-ang nurse ko. Siya ang in-assigned sa akin nila mama na magbabantay at mag-aalaga. Ang asawa niya naman ang driver ko. Sila ang paulit-ulit kong nakakasama sa buong maghapon at magdamag.

                “Dahan-dahan Lia ang paglalakad.”nag-aalalang saway niya sa akin.

                “Anong oras darating si Leon?”I asked her. I impatiently glared sa wallclock na naka-hang sa dingding. Nangako siya sa akin na drating siya ngayon. And I badly needed to see him.

                “Maya-maya lamang ay nandito na siya.”assurance ni Tiffany sa akin.

                This past few weeks ay napaka-odd ng nangyayari sa akin. Gusto kong parating nakikita si Leon. Marinig ang boses niya sa telepono gabi-gabi while singing me some lullabies. Nagagalit na nga siya pero wala din siyang magawa kundi ang makiayon na lang sa gusto ko dahil bawal sumama ang loob ko according sa aking doctor. Muntik ng mawala ang anak ko sa akin ng minsang lumuwas ako sa Maynila. Hindi ko kinaya ang eksenang nakita ko sa isang jewelry shop. Naroroon si Andrei at si Chloe. Masaya sila. Halos nakayakap na si Chloe kay Andrei. Akala ko ay handa na ako kung sakaling dumating ang panahon na muli kaming magkikitang tatlo. Pero nagkamali ako.  Masakit na masakit pa rin iyon sa aking puso. Nakakapanghina ng katawan. Sumama ang loob ko. Nang bumalik ako sa resthouse ay nahulog ako sa matinding  self pity  kasunod noon ay ang pagkirot ng aking tiyan. Sa tindi ng sakit ay nawalan ako ng malay. Sa ospital na ako nagising at naka-confine ng ilang araw dahil kailangang obserbasyon kung tumalab ang pampakapit na itinurok sa akin ng doctor. Wala akong ibang sinisisi sa nangyari kundi ang sarili ko.

                Since then pinipilit kong ibalik sa normal ang takbo ng aking buhay para sa anak ko. Para sa aming dalawa. Noong gumaling ako ay kakatwa na ang nagiging mga trip ko. Parating si Leon ang napagbubuntunan ko ng mga kakaiba kong request. At syempre wala siyang magawa kundi ang sumunod. Sa naisip na hawak ko siya sa leeg ay napahagikhik ako bagay na ipinagtaka ng kaharap kong si Tiffany.

                “Don’t mind me.”sabi ko sa kanya. Unti-unti ng bumubuti ang pakiramdam ko dahil sa nalalapit na pagdating ni Leon. Naramdaman ko din ang pagsipa ng aking baby. Marahil nae-excite na din siyang makita ang tito niya. Ang favorite uncle niya na walang sawang nagbantay sa amin sa ospital. At hindi kami iniwang dalawa hanggang sa tuluyan na akong gumaling at matiyak na ligtas ‘siya’.

                “Minsan natatakot ako dahil bigla ka na lang tumatawa at bigla na lang umiiyak, Lia.”ani Tiffany. Naging kaibigan niya na ito kaya hindi na sila nahihiyang magsabi ng saloobin sa isa’t-isa.

                Iwinasiwas niya lang ang kamay bilang pagdi-dismiss sa sinabi nito. Napasugod siya sa balkonahe ng makarinig ng hugong ng sasakyan. Sauladung-saulado ng baby niya ang tunog ng kotse ni Leon kaya sumipa ito ng sumipa na animo’y nagdiriwang. Natutuwa siya dahil sa ipinapadamang pagkasabik ng baby niya kay Leon pero at the same time ay nalulungkot din. Nauunawaan niyang nasasabik sa ama ang anak niya at napagbalingan nito si Leon.

                Buong pagmamahal na hinaplos niya ang kanyang tiyan. Ano kaya ang magiging reaksyon ng baby niya kung si Andrei ang dumating? Ganito din kaya ito ka-excited o baka mas higit pa? Sa kaibuturan ng puso niya ay hinihiling niya na sana ay makita niyang ulit si Andrei. Nabawasan ang masaya niyang ngiti. Ngunit kaagad din iyong ibinalik ng magsimulang umibis sa sasakyan si Leon.

                “Hi, Sunshine!”masiglang bati nito sa kanya gamit ang petname niya na ibinigay nito noong mga bata pa sila.

                “Wala kang pasalubong?”nagtatampo kunwari niyang salubong dito. Umiwas siya ng akmang hahalikan nito ang pisngi niya.

                “It’s in my car.”

                “Kunin mo.”paglalambing niya.

                “Ipapakuha ko na lang kay Dario mamaya, gutom na ako. I need breakfast.”sabi nito pero pinigilan niya ang tangkang pagpasok nito.

                “I want it now. Get it.”mariing utos niya. Saglit silang nagtitigan. Massalamin sa mga mata nito na ayaw magpatalo. Hindi kasi naging ugali ni Leon na sumunod sa ibang tao. He was raised like a God by their parents. Parating boss, parating nasusunod.

                Nagbuga ito ng hangin. Saka frustrated na nagsalita. “Sige na nga.”

                Maligayang-maligaya siya ng makitang nahihirapan ito. Matapos nitong iabot sa kanya ang request niyang manga ay ilang beses niya pa itong pinabalik-balik sa kotse nito bago ipinaghain sa kusina. Sa itsura nito na malalaking subo ang ginagawa ay masasabing gutum na gutom ito.

                “How’s the baby?”nakuha nitong itanong sa pagitan ng pagnguya.

                “He’s fine.”masiglang sagot niya. Tuwang-tuwa siyang makita na maganang kumain si Leon. Ipinagsandok niya pa ito ng madaming kanin at ulam.

                “Opps, tama na yan. Di ko na kaya.’pigil ni Leon sa paglalagay niya ng sangkaterbang ulam sa plato nito.

                Nilabian niya ito. “Pero ang gusto ng baby kumain ka pa.”sabi niya.

                Natapik ni Leon ang sariling noo. “Sige, sige.”masama ang loob na bigay nito ng pahintulot na ilagay niya sa plato nito ang madaming hipon.

                “Yehey!”parang batang sabi niya. Mas nahihirapan si Leon ay mas natutuwa siya.

                Totoo nga yatang kay Leon siya naglilihi..

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu