LAWISWIS:Mahal na hari ako na po mismo ang magmamakaawa sa inyo maari po ba na bigyan natin siya ng pagkakataon upang patunayan ang kanyang sarili.

DARAGIT:Ipagkakatiwala ko siya sa iyo Lawiswis ngunit kung magtaksil siya sa atin nais kong ikaw mismo ang papaslang sa kanya!(Saka tumalikod at naglakad palayo)

LAWISWIS:Nauunawaan ko at maraming salamat kamahalan.

TUKA:Maraming salamat sa iyo Lawiswis.

LAWISWIS:Walang anuman Tuka pagkat naniniwala ako na ang lahat ng nilalang ang nararapat bigyan ng pagkakataon, halika ka na ihahatid na kita sa iyong silid.

SA MUNTINLUPA

GENERAL'S PROVERBS

Ng makarating na ang mga Kawal Celestia agad silang naghiwa-hiwalay nang saganon sa bawat parte ng bilangguan may bantay at pagkalipas ng ilang sandali may dumating na itim na van na huminto sa tapat mismo ng gate tapos may mga armadong lalaki na bumaba at napansin ito agad ng mga kawal kaya nilapitan nila ang mga ito.

KAWAL CELESTIA 1:Avisala mga ginoo, matanong ko lang kung bakit kayo nagtungo dito at kung bakit may dala kayong mga sandata?

GUY1:Pumaslang kung kinakailangan!

Saka nilusob ang mga Kawal Celestia ng mga tauhan nila Ether kagaya ng inaasahan ay napapalaban ang mga kawal ni Emre at may dumating pang isang van kaya mas lalong lumaki ang gulo.

Dahil sa kaguluhang naganap ay napukaw ang atensyon ng ilang pulis na nagbabantay.

POLICEMAN1:Sir nagkakagulo sa labas!

SHERIFF:Sige puntahan na natin maghanda kayo mga kasama!

Saka pinuntahan ng mga awtoridad ang kaguluhan sa labas babarilin sana ng isa sa mga tauhan ni Ether ang isang pulis mabuti nalang na napigilan ito ng isa ng mga kawal ni Emre.

POLICEMAN:Salamat kaibigan.

KAWAL CELESTIA:Walang anuman.

POLICEMAN:Bakit nagkakgulo dito?

KAWAL CELESTIA:Pagkat may plano ang mga kalaban namin na patakasin ang mga bilanggo!

POLICEMAN:Ganon ba sige tawagan ko ang mga bantay sa loob.

Habang nagkakagulo sa labas ay nakapasok na ang ibang mga tauhan ni Ether sa loob.

POLICEMAN1:Anong ginagawa niyo dito?

GUY1:Papaslang kung kinakailangan!

Saka pinaputok ang baril buti nalang na nakaiwas ang mga pulis.

SA FORBES TAHANAN NG MGA DIWATA

Habang nasa conference room sila ng bahay ay pinapanood nila ang mga nagaganap sa Muntinlupa.

PIRENA:Pashnea nagkakagulo na kailangan na nating magtungo doon kaya maghanda na tayo!

ALENA:Mashna ihanda mo na ang mga natitirang kawal.

AQUIL:Masusunod Hara!

MIRA:Sasama po kami nila Lira Yna.

PIRENA:Sige!

CASSANDRA:Kami din nila Adam Ila.

AMIHAN:Bantay kayo dito sa bahay.

ADAMUS:Ngunit Ashti!

DANAYA:Adam huwag na matigas ang ulo!

ADAMUS:Fine..😑

Ng makahanda ng ang mga natirang kawal ay agad sila nagtungo sa lihim na silod saka nag-ivictus sila patungo sa Muntinlupa liban sa mga batang sangre.

SA CAVITE SA TAHANAN NILA ETHER

Kagaya ng mga diwata ay pinapanood din nila ang mga kaganapan.

ANDORA:Kagaya ng inaasahan ay hindi rin makatiis ang mga diwata!

ETHER:Sinabi mo pa kaya mga Mashna ihanda niyo na ang mga kawal pagkat matungo tayo doon!

MGA MASHNA:Masusunod Bathaluman!

Saka sila nag-ivictus patungong Muntinlupa.

SA MUNTINLUPA

Sabay na dumating dumating ang mga diwata at ang hanay nila Ether habang hindi pa nagsisimula ang labanan ay inihanda na ng bawat hanay ang kanilang mga sarili.

SA HANAY NILA ETHER

AGATHA:Kailangan nating manalo sa labanan na ito upang masakop ang mundong ito kung kailangan natin mandamay gagawin natin!

MGA KAWAL NIYEBE:Masusunod Hara!

SA HANAY NG MGA DIWATA.

ALENA:Kailangan nating pigilan kung anumang nais ng mga kalaban upang wala ng madadamay na mga inosente!

MGA KAWAL CELESTIA:Masusunod hara!

AQUIL:Estasectu!

Kagaya ng inaasahan ay ang panig nila Ether ang unang umatake.

YBRAHIM:Agtu!

At nagsimula na ang labanan habang abala ang mga diwata sa pakikipaglaban sa mga kawal sinamantala nila Berto,Andora,Lucio,at Marcelo na mag-ivictus upang pumasok sa loob ng gusali.

SA LOOB NG GUSALI

Nadatnan nila Andora na nakipagbarilan ang ang kanilang mga tauhan sa mga pulis upang mapadali ang kanilang laban ay gumamit ng napakalakas na kapangyarihan si Lucio kaya napaslang ang karamihan sa mga bantay ng gusali habang ang natira ay napasailalim na ng kapangyarihan ni Andora.

Pagkatapos ng kanilang laban ay agad silang nagtungo sa piitan kung saan naroroon ang mga bilanggo at agad naman nila itong pinalaya.

PRISONER1:Sino kayo?

MARCELO:Sabihin nalang natin na kami ang tutulong sa inyo!

PRISONER2:Sa wakas ay malaya na kami!

ANDORA:Sumunod kayo sa amin!

Bago pa sila makalayo ay nadatnan sila ng magkakapatid na Sangre.

PIRENA:At saan niyo balak pumunta mga pashnea?!

LUCIO:Patayin niyo sila!

At pinalibutan ng mga bilanggo ang mga magkakapatid na Sangre wala silang ibang magawa kundi lalabanan ang mga ito.

AMIHAN:Tanakreshna!(Pabulong niyang sabi)

ALENA:Sinabi mo pa! (Pabulong niya pabalik)

DANAYA:Estasectu!

PRISONER:Ang gaganda niyo sana pero kailangan namin kayo parusahan sa inyo pangingialam!

PIRENA:Ikaw pa itong mahina ikaw pa itong mayabang!(Pang-aasar ng Hara)

PRISONER:Lusob mga kasama!

Nilusob na nga ang magkakapatid ng mga bilanggo at gumamit ng kamao ang magkakapatid upang magiging patas ang laban.

Habang sina Andora naman ay nanood lang sa labanan na nagaganap at may napapansin sila na ang ilan sa mga itong magaling sa pakikipaglaban.

Ilang sandali lang ay naisipan na na nila Lucio na tumakas kasama ang mga bilanggo .

LUCIO:Umalis  na tayo!

Saka nag-ivictus sina Andora, Lucio,Berto,at Marcelo kasama ang mga bagong takas.

PIRENA:Pashnea natakasan tayo!

DANAYA:Sundan natin!

Saka sila nag-ivictus palabas ng gusali pagdating nila sa labas ay wala na rin sina Ether at ang mga alagad at tauhan nito ang natira nalang ay ang mga kawal ni Emre, ang kanilang mga asawa,sina Mira, Emre at Cassiopea,at ilang mga pulis.

SHERIFF:Ano ba talaga ang nangyayari at ano ba talaga kayo?

CASSIOPEA:Magandang tanong iyan ngunit hindi pa tamang panahon upang malaman niyo ang totoo

Kaya ginamit na ni Cassiopea ang kanyang kapangyarihan upang tanggalin sa ala-ala ng mga mortal ang mga naganap at ang malagay sa kanilang isipan ay may nakaharap silang sindikato.

ITUTULOY..

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now