The Missing Soul -- Chapter 15

425 5 0
                                        

DANIEL's POV

"malakas ka sakin ehh. alam mo namang ikaw ang PRINSESA ng buhay ko"

sinabi ko yan kanina kay Kath hindi lang dahil gusto kong pagaanin yung loob niya. I meant to say that. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko na siya. Pero natatakot ako. Natatakot akong ipagtabuyan nya lang ako. Kaya sa ngayon, i'll be right beside her muna habang hindi pa siya okay.

andito kami ngayon ni Kath sa room 456. kasama sina Julia at Diego. kumakain kami habang si Julia, nagmomoment nanaman.

"Bestfriend.. anong gusto mo? gusto mo ba ng apple? orange? cake? chocolates? sabihin mo lang ha at papakainin kita. Bestfriend, gumising ka na. Hindi ko na kayang nakikita kang ganyan. Please! Sana talaga hindi nalang kita iniwan noon. Hindi sana nangyari ang lahat..."

umiiyak nnaman tong si Julia. kaya etong si Kath na katabi ko, hindi na rin napigilan yung pagluha. hayyy. Kung may magagawa lang talaga ako.

ngayon, ineenjoy namin ang pagkain dahil nagutom talaga kami. 2pm na din kasi ngayon lang kami mag-la-lunch..

napasarap na ang kain naming apat nang biglang tumunog yung isa sa mga machine...

naghihingalo si Kath.. Inaabot na niya yung bawat paghinga niya. Nag-straight line yung monitor ng ECG niya. nagpanic na kaming lahat...

"Kath, anong nangyayari sayo? Kath, wag mo naman akong biruin ng ganto oh!!!!!  ano bang hinihintay nyong dalawa! tumawag na kayo ng doctor *sob*", umiiyak na si Julia. agad naman kaming nagtatakbo ni Diego para tumawag ng doctor.

"DJ!!! DJ!!! anong nangyayari sa akin? ....", si Kath na nakasunod sa amin.. nilingon ko siya. unti-unti siyang naglalaho.

hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.. mabilis lang akong magpanic sa mga gantong sitwasyon.. pero para kay Kath, magiging matatag ako!

nilapitan ko siya at yayakapin na sana....

pero hindi!!!!! hindi ko na siya mayakap!!!! hindi ko na siya mahawakan...

"Diyos ko! parang awa Niyo na po. wag Niyo pa pong kukunin si Kath.. bata pa po siya.. marami pa po siyang pwedeng ma-achieve sa buhay niya. Please po nakikiusap po ako"....

sa gantong mga panahon ... isa lang ang alam kong pwede kong takbuhan.. Siya. Si God na alam kong hindi kami papabayaan..

awang awa ako kay Kath habang tinitignan ko yung katawan niyang pilit na binubuhay ng mga doctor.. parang hindi ko ata kayang makita siyang nagkakaganito. Si Julia, ayun, iyak na ng iyak. takot na takot...

akala ko/namin talaga, mawawala na nang tuluyan si Kath...

sa awa ng Diyos, nadugtungan pa ang buhay niya...

andito na rin pala yung mommy niya.

daddy niya kasi, may business trip. kahit gusto niyang makita yung anak niya, hndi pwede. para din naman kay Kath yung ginagawa niya ngayon.

iyak na rin ng iyak yung mommy niya..

"Sino po rito ang nanay ng pasyente?", sabi ng Doctor.

"ako po. ako po Doc!"

lumabas si Doc at yung mommy ni Kath. may pag uusapan daw sila. ayoko na rin namang makinig dahil masyado na kong pakialamero kung ganun..

si Kath .. yung kaluluwa ni Kath ang lumapit sa kanila.

okay lang yun dahil hindi naman siya nakikita

---------------------------------------------

KATH's POV

nakakapanghina ng loob..

matapos yung nangyari sa katawan ko kanina. nabawasan nanaman yung pag-asa ko para mabuhay pang muli.

yung 40% na pag-asang kinakapitan ko ... nag 0% na ngayon dahil sa dalawang reason.

first... this time, hindi na ko mahawakan ni DJ .. dahil according sa doctor, humina daw yung resistance ng katawan ko.

second.. dahil sa narinig kong usapan ni mommy at ng doctor kanina.

gusto nyo pa bang malaman?

sige....

wag nalang kaya?..

tutal, dun na din naman yung punta ko!

ayoko na ring ipaalam to kay DJ.

dagdag lang sa mga pasanin niya.

bahala na :'(

papunta ako sa chapel para magdasal..

hindi ko na ipagdarasal na sana mabuhay pa ko.

hihilingin ko na lang na bantayan Niya yung mga taong mahal na mahal ko.

hindi naman na kasi ako tatagal dito sa mundo.

umupo na ko sabay deretsong magne-kneel na.

may katabi akong lalake pero wala na akong pakialam dahil hindi naman nila ako nakikita.

"Lord ... andito po ako, inaalay ang buong sarili ko sa inyo ... ----"

hayss. hindi tuloy ako makapagdasal ng solemnly kasi ang ingay magdasal nitong katabi ko. kelangan talaga i-broadcast niya?

papatapusin ko nalang muna tong magdasal bago ako ...

"Almighty Father, andito po ako para humiling ng isang bagay. Kahit hindi Niyo na po ibigay yung wishes ko tuwing birthdays ko. Material things lang naman po yun. Pero this time, nagmamakaawa po ako. Na sana matupad sa lalong madaling panahon hangga't hindi pa huli ang lahat. May kaibigan akong naghihirap ngayon at nakikipaglaban para sa 2nd life niya. Napakabait po niya at isa talagang biyaya sa pamilya niya. Bata pa po siya. Marami pa po siyang pwedeng magawa. Lord, please. nagmamakaawa po ako sa Inyong bigyan pa siya ng 2nd chance para mabuhay. kapag po nangyari yun, pangako ko po, hinding hindi ko siya papabayaan. Yun lang po. Amen"

waw naman! andito pala to para ipagdasal yung kaibigan niya. ang bait naman.

teka .. parang may kaboses ah..

"DJ/KATH?!", sabay pa kaming nagsalita. gulat lang. hayss destiny nga naman ohh.

The Missing Soul (editing)Where stories live. Discover now