Castle 16: No One Would Ever

7 0 0
                                        

Castle 16: No One Would Ever

♥Andrea's POV♥

9:00 na nang umaga. Tirik na ang araw. Nag hahanda na ako para magpunta sa bahay nila Christoff.

Lumabas na ako ng bahay. Hindi na ako nagpaalam pa kasi tulog pa sila. Napuyat sa flight. Kumuha ako ng taxi. Ayaw ko nang magpahatid kasi marami pa talaga kaming pag uusapan.

Mukhang matatagalan ako dahil sa buhol buhol na traffic. May nagbanggaan kasi isang delivery truck at isang taxi. Pagkakataon nga naman! Bakit ngayon pa?! Nakaka inis naman oh!

May pagkalayo pa ako sa bahay nina Christoff kaya't hindi ko magawang lumabas at maglakad nalang. Hinintay kong makaalis ako sa pesteng traffic na toh!

***

Mas lalong umiinit ang panahon dahil tanghaling tapat na. Traffic parin pero malapit na ako sa bahay nina Christoff. Naglabas na ako ng pambayad ko sa taxi at inabot sa driver. At dahil good mood ako ngayon, "keep the change" saka ako lumabas na.

Agad agad akong tumakbo papunta sa bahay nina Christoff. Ilang likuan rin bago ako naka rating. Nag door bell ako at lumabas naman ang isang babae na naka uniform. Maid nila.

"Uhm, magandang araw po. Nandyan po ba si Christoff?" Pagtatanong ko habang sumusulyap sulyap sa loob.

"Umalis po siya kaninang umaga. Hindi naman po nagpasabi kung saan siya pupunta"

"Ganoon po ba? Paki text nalang po ako pag dumating na siya. Salamat po" binigay ko sakanya ang mobile number ko saka umalis na.

Sayang at hindi ko siya naabutan. Pesteng traffic yan.

Napagpasyahan ko munang kumain. Nagugutom na kasi ako eh. Nag tungo ako sa isang fast food chain. Umorder ako ng rice, chicken, fries, burger, at coke. Nagpunta ako sa second floor at pumwesto sa tabi ng malaking bintana.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain, napa lingon ako sa bintanang katabi ko lamang. Napukaw ang pansin ko nang mapansin ko ang isang lalaki na naglalakad sa side walk. Parang si Christoff.

Uminom ako ng konti at tumayo na. Kinuha ko yung bag ko at nag madaling lumabas. Paglabas ko, nakita ko siya na nakatalikod at naglalakad. Agad akong sumunod sakanya pero sa dami ng tao na nakakasalubong ko, nawala siya sa paningin ko. Pagdating ko sa isang likuan, nilibot ko ang mga mata ko para hanapin siya. Pero hindi ko na siya nahagilap pa.

Biglang nag ring ang phone ko sa bag. Kinuha ko ito. Si mama tumatawag. Gising na sila.

"Ma" bati ko.

Where are you?

"Uhm, may pinuntahan lang po ako. Sorry po kung 'di ako nakapagpaalam"

Okay. Basta umuwi ka agad

"Ok mum, bye"

I ended the call. Naupo na muna ako sa isang bench sa tapat ng 7/11.

Nag vibrate ang phone ko. Hindi naka save na number ang nag text sakin.

From: 0949*******

Mam, nasa sementeryo po si Christoff

Napatakbo ako at pumara ng taxi. Sure ako na yung maid nila Christoff ang nag text. Buti nalang at maluwag luwag ang kalasada papuntang sementertyo.

Kaso dumidilim na nang makarating ako dahil malayo layo rin ito kung saan ako sumakay. Natagalan rin ako sa paghahanap kay Christoff. Hindi ko na kasi masyadong maalala kung saan banda kami nagtungo dati. Marami rin kasi ang mga puntod dito.

Pagkalipas ng ilang minuto, nahanap ko rin siya. Naka higa siya sa damuhan katabi ng puntod ni tita Carla.

Malungkot ang mukha niya habang naka titig sa maaliwalas na langit. Napansin niya ang presence ko kaya napalingon siya sa direksyon ko. Pero agad niya rin itong binawi at pumikit.

"Oh come on Christoff. Tigilan mo na. Namamalik mata ka lang" mahinang sabi niya pero narinig ko.

Hindi ko alam pero nag init ang mga mata ko at dahan dahang umagos pababa ang mga luha. Siya parin talaga si Christoff. Ang bestfriend, kababata at

.

.

.
Ang taong pinaka mamahal ko.

Napangiti nalang ako na parang nasisiraan ng ulo. Kanina umiiyak, ngayon naman ay naka ngiti na ako. Masaya akong tumabi sakanya sa pagkakahiga. Nakapikit parin siya.

"Christoff, nakikita mo ba yung star na 'yon" sabay turo ko sa pinaka makinang ng star sa malawak na langit.

Liningon ko siya. Naka ngiti siya habang nakapikit parin. Hindi ko inaasahan na tutulo ang mga luha mula sa mata niya. Napa bangon ako at nag badyang mag salita pero bumangon rin siya. Yumakap siya sa saakin ng mahigpit. Nararamdaman ko ang mainit na luha na bumabasa sa blouse ko. Niyakap ko lang siya pabalik. I hear him sob.

"Naaalala ko pa nung unang beses mo kong dinala rito" mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. "I'm sorry Andrea, I'm so sorry..." lubusan na ring tumulo ang luha ko.. ulit. "Sorry kung hindi kita hinayaang magpaliwanag dati" cracked ang boses niya dahil sa pag iyak niya. Hindi ko alam na umiiyak rin pala siya.

Oh damn! I miss him! I really miss him!

"Sshhh... it's over now. We can start it again" pagpapatahan ko sakanya.

Kumalas siya sa yakap. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko at ang isa naman ay  hinahawi ang buhok ko mula sa mukha ko.

"Ba't ngayon ka lang dumating?" Pagtatanong niya.

"Kasi----"

"Ssshhh" pina ibabaw niya ang index finger niya sa labi ko. Tatanungin niya ako tapos hindi niya ako papayagang sumagot. Ngumiti nalang ako.

Hinwakan niya ako ng magkabilaan sa balikat at nilapit niya ang mukha niya. Hinayaan ko lang na mag dampi ang mga labi namin.

After a couple of minuites that seems a couple of years to me, our lips parted. Niyakap niya ulit ako at binaon niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Sorry kung naging torpe ako. Pero itong sasabihin ko, sana maniwala ka" he whispered through my ears. "I love you" lumawak ang ngiti ko sa labi.

"Ano kasi..  Christoff..."

Kumalas siya sa pagkakayakap.

"It's okay. I understand. I wish you all the happiness" tumayo siya at nag badyang umalis.

"Ei?" Anong pinagsasabi nito? Lumingon ito saakin at ngumiti ng malungkot.

"Okay lang sakin kung may mahal ka nang iba" saka ito tumalikod at hahakbang na pero nagsalita ako kaya tumigil siya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Aahh... hindi mo pa kasi ako pinatapos eh"

Parang nabuhayan siya dahil sa narinig. Lumapit uli siya. "Hindi kasi ako makahinga kanina dahil sa higpit ng yakap mo"

"Ah ganun ba? Pasensya ka na" napakamot siya sa ulo niya.

I encircle my arms around his neck. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad rin siyang nakabawi. He drag me closer while his arms are also encircled on my waist "Alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo dahil 'di mo sinasagot ang mga messages at tawag ko? Malapit na rin akong mabaliw nun kakaisip kung okay ka lang ba. Tapos pinagod mo pa ako kakahanap sayo" medyo galit ang tono ko. "Pero worth it naman ang pag e-effort ko" mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko kaya't magkasandal na ang mga noo namin sa isa't-isa. "I love you too"

Napaka saya ko at nasabi ko na ito pagkatapos ko itong itago ng matagal na panahon. Matagal kaming nagkahiwalay, ngayon, hindinh hindi na kami mag kakahiwalay pa.

No one would ever.

                    =♥=

The end of the chapter :-)

Sand Castle [COMPLETED]Where stories live. Discover now