C-4

10.7K 93 1
                                    

NOT EDITED

EILA's POV

Nagising ako dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko.

Agad akong tumayo at mabilis na sinuot ang mga damit ko, Hindi ako makapaniwala na muling naulit ang pangyayari sa amin ni Onnix.. Isa akong malaking tanga para pumayag pa sa ikalawang pagkakataon.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Marcus.

Dapat ay masaya ako ngayong nasa harap ko na siya pero bakit wala akong maramdaman?

Ngumiti ako at niyakap ko siya, ewan ko pero napaiyak nalang ako.

"Hey!" Sabi ni Marcus at hinimas-himas ang likod ko.. "Minaltrato ka ba ng lalaking yun sabihin mo lang, bubugbugin ko yun"

Kumalas ako sa yakap niya at saka umiling. "Masaya lang akong makita ka"

"Iayos mo na ang mga gamit mo, dun kana titira sa akin, isa pa gusto kang makita ni Mommy" nakangiting sabi ni Marcus,

Natuwa naman ako dahil makikita ko si Tita Marie.

"Sige"

"Hintayin kita sa ibaba" sabi niya pa bago tumalikod at umalis na.

Mabigat ang pakiramdam kong inayos ko ang mga gamit ko sa maleta ko.

Kung kelan naman nasasanay na ako sa bahay na ito ay saka ako aalis.. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Parang ayokong umalis sa bahay na ito, pero gusto ko namang umalis dahil makakasama ko si Marcus..

Kay Marcus lang ako dapat magfocus dahil siya naman tlaga ang dahilan kung bakita ako nandito.

"Kamusta ka sa bahay ni Onnix?" Tanong niya sa akin habng nagda-drive siya..

"Okay lang naman ako dun" siniglahan ko ang boses ko.

"Parang ang tamlay mo kasi, hindi ka yata niya pinapakain ng maayos eh" nag-aalalang sabi niya..

Umiling ako. "Masasarap ang pinapakain niya sakin, masarap magluto si Manag Lupe" sabi ko pa.

"Wala bang ginawang kagaguhan sayo ang pinsan kong yun?" Tanong niya pa pero hindi inaalis sa daan ang paningin.

Napalunok ako, sasabihin ko ba na may nangyari na samin.

"W-wala, may pagkamasungit siya pero mabait din naman minsan" mabait naman talaga siya, dahil pinagluluto niya ako, naalala ko pa ang mga pagkaing niluto niya matapos na may unang nangyari sa amin.

"Mabait? Pano naging mabait sayo yun? E masungit sa lahat yun, lalo sa mga babae" nakita ko ang pagkunot ng noo niya..

"Ewan ko, pakiramdam ko lang, hindi namn kami nag-uusap kung maguusap namn kami ay masungit siya"

Napabuntong hininga si Marcus, "Mabait naman talaga si Onnix, naging masungit lang siya ng lokohin siya ng kaisa-isang babaeng minahal niya, at matagpuan itong patay sa Condo niya"

My Cousin's Girlfriend Where stories live. Discover now