Biglang sumagi sa isip ko yung oras na hinalikan ko siya..

Ou na.. gusto ko siya halikan uli.. badtrip..,

Bumalik nalang ako sa parking lot.. bahala na iiwan ko nalang siya..

"Ano ba ang tagal mo?" Biglang may sumigaw. Nakita ko ang galit niyang mga mata.. "buksan mo" may kasama pang utos na habol niya.

Pinindot ko ang lock ng sa susi ko at mabilis naman siyang pumasok sa loob..

Sumakay na ako ng kotse.. at nagsimulang paandarin ito..

"Waaaaaahhhhhhhh" bigla siyang sumigaw,  nilingon ko siya at nagtama ang mga mata namin pero mabilis ko ring ibinalik sa daan ang paningin ko.

"Bwisit ka, you stole my first kiss, para kay Marcus dapat yun eh, huhuhuhuhu" inis sa sabi niya habang hinahampas ako ng kamy niya..

"Mababangga tayo" sabi ko.. ewan ko pero gusto kong matawa..

Hindi dahil sa ako ang first kiss niya.. napayuko kasi ako at naalala kong nakadress siya.. ang gandang babae tapos ang ganda ng suot niyang dress tapos naka beach walk.. hahahahahahaha...

Nagpigil akong matawa kasi baka lalo niya pang ikagalit sa akin ang pagtawa ko..

Pag-uwi namin sa bahay ay agad siyang bumaba sa kotse at pumasok sa loob,

Iiling-iling akong kinuha ang lahat ng pinamili namin.. pagpasok ko sa loob wala siya sa sala malamang nasa kwarto na niy.. kaya kinatok ko ang kwarto niya..

"Ano------- " hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng ibato ko lahat sa kanya ang pinamili namin..

Ngingisi-ngisi akong lumakad patungo sa kwarto ko.. sa kama agad ako nahiga..

Badtrip bakit ba naalala ko parin ang halik na iyon..


EILA's POV

Hindi ako makatulog kahit anong pikit ko ay hindi ako makatulog panay lang ang ikot ko sa kama ko.

Pilit na sumisiksik sa utak ko ang halik niya kani-kanina lang.. Sumulyap ako sa orasan.. Alas dose trenta na.. pero gising na gising parin ang isip ko.

Tumayo ako ng may kumatok.. Bumungad sa akin ang malamlam na mga mata ni Onnix..

Ano naman ang kailangan niya?

Inabot niya ang batok ko at siniil ng halik..

Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas.. balewala sa kanya ang paghampas ko sa dibdib niya..

Hanggang sa ang pagtutol ko ay sa isip ko nalang ata hindi na magawa pang tumutol ng katawan ko. Kusa akong tumugon sa mga halik niya..

Alam kong mali ito, pero hindi ko na magawa pa ang tumutol..

Nagugustuhan ko na ang paghalik niya sa akin at lihim kong hinihiling na wag niya pakakawalan ang mga labi ko..

Naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa malambot kong kama.

Pano niya akong nadala rito, hindi ba nasa may pinto kami?

My Cousin's Girlfriend Where stories live. Discover now