🦊7

98 3 10
                                    

MINHYUN'S POV

Nagising ako at mukhang pa-gabi naman na.

"Di pa pala ako nakakapagluto" napabangon naman ako nang maalala ko yun.

Wala pa naman sigurong lumalapastangan sa mahal kong kusina diba?

Sina Sarah at Ashley lang talaga ang pwede ko pagkatiwalaan sa mga yon eh!

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko.

I smell something good. Sino kaya kina Ashley at Sarah ang nagluluto?

Bumaba ako papunta sa kusina.

"Hi emperor! Gutom ka na ba? Patapos na to" bati nya sakin habang naghahalo ng niluluto nya.

Sinilip ko naman yun.

"Kumakain ka naman ng pesto pasta diba?" tanong nya at tumango ako.

She turned off the stove at kumuha ng pinggan.

"Gusto mo bang tikman o dun na lang sa dining?" -Adrianne

"Sayang naman yung table sa dining kung dito ako kakain diba?" I rolled my eyes.

Dumiretso naman sya sa dining dala yung niluto nya at sinundan ko sya.

Gutom na rin naman kasi ako!

"Upo na" sabi nya pagka-hila nya ng upuan.

Umupo naman ako dun at pumwesto sya sa harapan ko.

Parang baligtad talaga?

"Tikman mo na dali!" excited nyang sabi.

Tinikman ko naman yon.

"Rate 1-10" -Adrianne

"9.99" -me

Tinuloy ko yung pag-kain habang nagtatalon naman sya.

Parang timang naman to!

"Di ka ba kakain?" -me

"Kakain syempre" inagaw nya yung hawak kong tinidor na nakasubo pa sakin at ginamit yon.

"YUCK KADIRI KA! NAKITA MONG MAY LAWAY KO NA YAN EH!" sigaw ko sa kanya.

Ang baboy naman nito!

"Luh? Ayaw mo pa non? Indirect kiss" she smirked at me.

"Kadiri ka" tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng panibagong kutsara.

Ewan ko ba! Kay Jaehwan lang ako sanay na maki-share ng pinagkainan pero pag sa iba nandidiri talaga ako

"Wow. Kumuha talaga ng bagong kutsara? Anong akala mo sakin, may rabies?" -Adrianne

"Lahat ng mammals may rabies" -me

Bumalik ako sa pwesto ko. Bali sa isang pinggan lang kami kumakain pero magkaiba ng tinidor na gamit.

"Mukha ba akong mamaw?" -Adrianne

Hutek. Isa pang walang pag-asa to.

"Mammal ang sabi ko, hindi mamaw. Bungol" -me

"Grabe maka-bungol ah! Edi mammal kung mammal! Mukha ba akong ganon?" -Adrianne

Sabi ko na eh. Wala talagang pag-asa to.

"Human ka diba? You have mammary glands kaya mammal ka" -me

"Mamma..mama mary?" -Adrianne

"Mammary glands! Uso search kay Pareng Google o kaya kay Mareng Merriam. Hindi yung puro kabalbalan sinisearch mo" -me

We Got Married #10: Hwang MinhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon