Prologue

12 0 0
                                        


"Sam, tapos ka na ba mag impake?" tanong ni manang.

"Opo manang. Kanina pa po." sabi ko habang ako ay nakatutok pa rin sa phone ko.

Hindi ko na siya nadinig sumagot pa at naramdaman kong umalis na siya sa tabi ko. Habang nagtitingin tingin ako ng mga post ng mga kaibigan ko sa facebook bigla lumitaw sa screen ko ang pangalan ni Dani.

"Hello Dani," sagot ko dito. Maingay ang background niya hinuha ko ay nasa party siya.

"Hi Samienrra! Balita ko uuwi ka na dito ah! Magdadala ba ako ng red carpet sa airport?!" natatawa niyang sabi.

Natawa ako sa bungad niya sa akin "No thanks!" natatawa kong sagot. "By the way, sino kasama mong magparty?" tanong ko. Ako kasi palagi niya kasama magparty noong college kami.

"Si Josh, may flavor for today! Hahaha." at tumawa pa siya. Napailing nalang ako sa sagot niya.

It's been five years since umalis ako sa Pinas para dalawin ang aking magulang dito sa America. Umalis ako dahil akala ko ay may problema dito sa company ni Daddy 'yun pala ay ipagkakasundo nila ako sa hindi ko kakilala para lang sa kompanya.

Hindi ako pumayag pero hindi nila ako pinayagan na umuwi ulit sa Pilipinas. Ngayon na pinayagan na dahil hindi nila ako mapapayag doon sa ipinagkakasundo nila sa akin.

"Hello to Samienrra! Nandyan ka pa ba?" nawala bigla ang iniisip ko ng magsalita ulit si Dani.

"Uhm," tumikhim lang ako kasi gusto kong itanong sa kanya yun tao na dahilan ng pag-uwi ko sa Pilipinas.

"Anong 'uhm' aber?" takhang tanong niya. Nadinig ko na papahina ng papahina yun music. Siguro ay lumabas siya para madinig niya ako ng maayos.

"Si..." hindi ko na naituloy yun sasabihin ko ng magsalita siya.

"Si Zeus ba? May girlfriend na ata. Lagi niyang kasama 'yun sikat na modelo. Si Reina." kwento nito. "Hindi mo ba alam? Wala bang facebook d'yan sa America? Pero sabagay baka iunfriend mo si Zeus." sabi niya pa.

Napakagat ako ng labi. Nakikita ko nga na may kasamang babae si Zeus. Kahit hindi ko friends 'yun dalawa nakikita ko ang shared post ng mga friends ko sa facebook. Puro post nung Reina.

"Ah," tanging sabi ko.

"Anong 'ah' move on na sis. Mukhang kinalimutan ka na non." medyo iritadong sabi ni Dani. "Saka isa pa, ikaw 'tong bigla biglang umalis ng walang pasabi. Tapos after 3 years saka ka magpaparamdam sa akin. Kung ako man si Zeus hahanap na ako ng iba." sabi niya.

"Alam mo bang parang tanga si Zeus na inaabangan ka dito sa bahay niyo. Araw gabi siya sa tapat ng bahay niyo kung wala siya doon sa akin at hinahanap ka. Nakakausap daw ba kita. Awang awa ako doon sa tao, Sam. Bakit ba kasi umalis ka ng hindi nagpapaalam." sabi niya pa.

Napahawak ako sa labi ko at pinipilit kong hindi makagawa ng hibik.

"Hindi ko sinasadyang iwan siya." tanging nasabi ko.

"Hay nako, Sam. Kapag umuwi ka dito, siya ang kauna unahan iwasan mo." sabi niya.

Nag usap usap pa kami sa ibang bagay hanggang nawala rin sa isip ko si Zeus.

Matapos ang tawag ay humiga na ako dahil maaga ang flight ko bukas.

"Anak, mag iingat ka doon ha." payo ni Mommy sa akin.

Nandito kami sa airport. Ihahatid niya ako. Si Daddy sa sobrang busy ay hindi na niya ako nagawang ihatid man lang.

Ngumiti ako sa kanya. "Mommy naman. 24 years old na ako. Kaya ko na 'to." natatawa kong sabi.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 02, 2019 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Chasing the SunCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang