"O, ayan na naman mga tol." ang seryoso ni koya ha. Di naman siya ganun.

Ay, oo nga pala! Andyan ang papansin niyang best friend na kung maka-asta gerlpren siya. W h a t e v e r .

"Yes, sir. Wala kaming magagawa. Ikaw masusunod eh." Kats.    

"Sige, di kami magsasalita hanggang matapos kumain." ako.    

"Eto naman, hindi mabiro." DJ sabay smile na naughty.     

*POK*    

Sinapak ko lang naman si DJ. HAHAHAHAHA.    

"Oy, ba't mo ako sinapak, ha?!

"Wala, trip ko lang. Bawal ba?"

Akmang sasalita na si DJ nung nagsalita si epal.    

"DJ?! Are you okay? Saan masakit? Okay ka lang ba? Do you want to go home?" tapos hinimas-himas niya yung part na nabatukan.   

"Psh. OA." sabay bulong naming tatlo nila Kats at Les. Bulong lang pero siyempre, tatlo kami at sabay pa, kaya't narinig nila.    

"Me? OA?! Shut up you three. You don't have the right to do that to DJ. Para kayong hindi pinalaki ng maayos. Grow up." sabi ni Bea tapos parang inaano niya si DJ. AH BASTA ANG HAROT.

Ayoko sa kanya. Oo, ayoko sa kanya.    

"Ah, Bea, calm down. I'm okay. Really, I'm okay. Di naman yun malakas at biro lang naman yun. Chill ka lang. I'm okay. Sige, CR lang ako." sabi ni DJ sabay tayo papuntang CR.    

Nung medyo nakalayo na si DJ, biglang nagsalita si epal.

"Kayong tatlo, please stay away from DJ. Pansin ko kasing bad influence kayo. Ayokong masira ang reputasyon ng aking best friend at soon to be boyfriend dahil sa mga kalokohan niyo. So please, stay away and don't ever go near him. Understand?"    

Imbis na magalit kami, nagtawanan lang kami.    

"Mukha ba akong nagbibiro? Ha? Stupid." Bea.    

"HAHAHAHAHA. Ikaw? Future girlfriend ni DJ? Get over yourself. Di ka type ni DJ kaya wag kang umastang kayo na. Bakit? Porket ikaw best friend at kami kabarkada lang, may karapatan ka ng pagsabihan kami ng ganyan?" panimula ko.    

"In the first place, kumakampi lang sa'yo si DJ kasi babae ka at may respeto yun sa mga babae. Ikaw, nakakainis ka na ha. Ang OA mo." pagdadagdag ni Kats.    

"Di ko nga alam kung bakit kayo naging mag-best friend eh. Ang pangit ng ugali mo. Ang bait nun ni DJ kahit medyo loko-loko. Minalas katropa natin mga dre." sabi ni Les.    

"HOW DARE YOU!" sigaw ni Bea sabay iyak ng todo.    

Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Nakakahiya. Ugh. Kulang sa pansin.    

"Bea?! Ba't ka umiiyak? Ha?" biglang sabi ni DJ.    

Uh-oh.    

"Ask your stupid friends! Ugh. I'm going home." sabi ni Bea sabay dabog paalis KFC.    

"Ano na namang ginawa niyo? Ugh." sabi ni DJ at sinundan si Bea.    

After that incident, di muna kami nagkita-kita nila DJ pero after a while, bumalik na dating bonding namin since bumalik na raw sa Cebu si Bea at walang assurance na babalik pa siya since doon naka-base family niya. Parang sumaya kami. Kahit ilang araw lang yun, nainis talaga ako sa kanya. Hindi, feeling ko forever maiinis na ako sa kanya. Ewan, di ko lang siya feel.

Probably KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon