"ANAK NG PUCHA JC! Bigla-bigla ka nalang susulpot. Ano ka, si Flash?" ako.

"Grabe, kinabahan ako dun. Bigla nalang bang magsasalita?" Kats.

Natawa nalang si JC sa amin. Pero ano sabi niya? May gusto si Bea kay DJ? Sus. Asa siya! Hindi siya type ni DJ. Eww.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na si DJ kasama si Bea. Parang walang nangyari, nagtatawanan pa sila. Nakakainis. Andito kami, hello?

"Ay, Sed, Les, Kats. Humingi kayo ng tawad kay Bea." sabi ni DJ.

Wow ha? So kelangan naming mag-sorry? Kainis.

"Uh, okay. Sorry." kaming tatlo.

Kahit labag sa kalooban, sige nalang. Mahal namin si DJ eh.

"Sige, DJ. Alis na kami. Kita-kits nalang tayo bukas!" Les.

"Sige. Bye!"

*******

Andito kami ngayon sa mall nila Kats at Les, hinihintay si DJ. Trip kasi namin kumain ngayon magmall at kumain ng kumain at kumain, maglaro, manood ng movie at kung anu-ano pang kalokohan. Sayang, di kami kompleto.    

After how many minutes, dumating na si DJ at.............            

kasama niya ang dakilang OA na si Bea. Kainis! Ba't ba sinama 'yan?    

"Uy, tol. 'Kala ko mag-isa ka lang." ako.    

"Ah, oo nga eh kaso walang kasama si Bea sa bahay nila. Takot. Kaya dinala ko nalang. Wala namang problema, diba?" DJ.    

HINDI! ISANG MALAKING PROBLEMA ITO!!!! NAPAKALAKI.    

At bakit? Bata pa ba siya para matakot?

Pero mabait kami eh.    

"W-wala namang problema. Oo, wala. Hehehehe." Kats.    

Halatado namang ayaw din nila Kats at Les kay Bea eh.    

"Tara! Gutom na ako. Punta na tayo sa Food Court!" pag-aaya ni Les.    

"WHAT?! FOOD COURT?! DJ, 'wag tayo dun. It's so ew there. It's super crowded and there are beggar-like people there. Dun nalang tayo sa KFC para mas safe." pag-iinarte ni Bea.    

Putik. Ang arte. Sarap pektusan. Kung 'di lang ito babae. Nagkatinginan kami nila Kats at Les. Di pala ako nag-iisa. Nagtitimpi na rin yung dalawang mokong. Isa nalang, makakasapak na ko. Biro lang!

DJ. PLEASE. FOOD. COURT. PARA. MAINIS. SI. BEA. 

"Ah, ano kasi eh Bea...." DJ.    

"Please? Please, DJ?" Bea.    

"Sige, fine. Fine. Sa KFC tayo."     

Okay lang naman kasi kung sa KFC kami pero mas trip namin sa FC kasi may adventure. Takte. Nauumay na ako sa pagmumukha ng babaeng 'yan.    

*******

"DJ, say aaaaaaaaaaaaah." sabi ni Bea habang sinusubuan si DJ.     

Pumapayag naman si DJ.    

"AHAHAHAHAHAHA BRO NAKAKATAWA KA." ako.    

"KAYA NGA EH, AMBAKLA!" Kats.    

"TAKTE. AAAH BEBE AAAAAAAAAH." Les.    

At nagtawanan nalang kaming lahat. Pero nagsitigil kami sa sinabi ni DJ...    

Probably KismetWhere stories live. Discover now