Chapter 34: Eclipse

Magsimula sa umpisa
                                    

Kahuli-hulihan kong isinubo ang balat ng manok na ibinigay ni Sep. Save the best for last daw kasi, at tama iyon -- ang balat ng manok na ibinigay ni Sep ang the best sa lahat nang kinain ko ngayon.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako. Dumeretso ako sa kwarto ko para lumayo sa mga Flores. Hindi ko na kayang tumagal pa kasama nila. Hindi ako makahinga nang maayos.

Naglaro ako ng online game, ngunit ilang minuto lang ay may kumatok sa kwarto ko. Hindi naka-lock ang pinto kaya sumigaw na ako ng, "Sino 'yan?"

"Si mommy 'to."

"Come in, my."

Pumasok si mommy nang may pagtataka. "Anak, what's up, huh? We have a visitor, and they're not just visitors, 'nak. They are going to be part of our family soon."

FAMILY?! Para akong hinampas ng malaking kahoy sa batok nang marinig kong sabihin iyon ni mommy. Ano bang mga sinasabi niya? Oo. They're not just visitors -- I know that, because they're rivals as far as I know -- pero ngayon -- ARGH! Ano 'to? Family? Soon? Shit.

Naghahalo ang emosyon ko ngayon. Confusion plus inexplicable... kilig. Shit. Ba't ako kinikilig? Dahil kay Sep? Pero may ube na ako, ah?!

"Anak, bumaba na tayo. Napag-usapan na natin 'to kanina, 'di ba? Here they are. Your dad and Mr. Flores have reconciled already. They're going to merge each other's company. Anak, uulitin ko pa ba?"

"Uulitin ang ano mommy?"

Inulit nga sa akin ni mommy ang lahat ng sinabi nila kanina ni daddy. Kanina ay wala kahit isa akong naintindihan sa mga pinag-usapan namin, maliban sa alam kong negosyo ang topic. Wala akong naintindihan kanina dahil blangko ang utak ko nang mga oras na 'yun sa kakaisip kay Maggie. Pero ngayon, naintidihan ko na lahat kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari.

Magme-merge ang mga kumpanya namin ng mga Flores; at ang seal para doon ay ang kasal namin ni September. Next month, Christmas Eve, gaganapin ang engagement namin kaya may isang buwan pa para maibalik namin ang meron kami ni September noon, ani mommy.

I can't believe this. I can't believe this is happening. Ano pa bang pwedeng mangyari? Bakit ang gulo ng mundo ko?

"Now, Dave, let's go downstairs. I have to entertain Mrs. Flores. And you -- it's your time for September." Hinawakan ni mommy ang balikat ko at sinabing, "Anak, we're sorry. Sorry sa mga nangyari noon -- sa mga ginawa naming pagre-restrain sa inyong dalawa ni September. She's your first love, right?! First love never dies. Forget the past, son." Ngumiti siya uli.

Hinawakan niya ang kamay ko, tumayo siya at hinila ako palabas at papunta kay Sep. Hindi ako nakapiglas kay mommy. Pakiramdam ko, eight years old uli ako na hila-hila niya para ipakilala sa mga amiga niya. Napaka-mama's boy ko hanggang ngayon.

Shit. Malapit na kami sa pool kung saan naroon si September.

"Anak, I'll leave you now, ha. Have a good time." Nag-tap pa siya sa balikat ko na parang chini-cheer niya ako sa laban. Nakakainis si mommy. Pakiramdam ko pokpok ako na ibinubugaw sa -- isang anghel.

Naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung gusto ko ba talaga ang mga nangyayaring ito o hindi.

Pinagmasdan ko lang si mommy habang papalayo. Nag-turn ako para makita kung nasaan si September. Holy cow! Nakaupo siya sa poolside habang nilalaro ang tubig. Ang reflection ng tubig ay hinahaplos ang kagandahan niya. Ang ganda niya -- sobra.

Lumabas ako para lapitan siya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya, ngunit nang malapit na ako ay bigla akong naduwag, kaya napahinto at lumiko ako para lumayo.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon