I am at my school for the reason that Ms. Pat, my homeroom teacher, asked me to come and check my exam results at I.U.
Bloody hell! I passed the exam. I can't explain the happiness that I am feeling right now, nakangiti ako na nagpaalam kay Ms. Pat at dali-dali na umuwi bahay dala ang magandang balita para kay Mama at Papa. Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako sa entrance examination sa isang International School.
"Mama, Papa narito na po 'ko. Lumabas po muna kayo sa kwarto at bumaba muna rito sa sala." Tawag nito sa kaniyang magulang, kasabay ng sunod sunod na malalim na paghinga dala ng pinaghalong hingal at pagod mula sa pagtakbo.
"Bekang, Ano't sumisigaw ka riyan? Kanina pa kami narito ng papa mo sa kusina nag hahanda ng makakain natin ngayong gabi."
Pagkita ko kay mama agad ko tong niyakap.
"Mama nakapasa po ako sa International University. Scholar po ako. Sa wakas matutupad ko nadin ang pangarap nyo ni papa sakin. Tignan nyo po Binigay sakin ni Ma'am Pat yung sobre kanina galing International University."
" Aba anak magandang balita yan samin ng mama mo. Pero sigurado kabang gusto mo mag-aral dyan balita ko eh puro anak ng mayayaman at negosyante ang nag aaral dyan."
" Siguradong sigurado ako papa. Sayang naman din po kasi lahat libre basta mamaintane ko lang po ang mga grades ko.
Sinang ayunan na ng magulang ni Bekang ang kanyang desisyon. Matapos nilang pag usapan ang pag pasok ni Bekang sa University. Nag ahin na ng pagkain ang kanyang ina upang makapag salo salo sila ng hapunan.
"WOW! Mama ang serep naman ng luto mo po Porksteak. Akala ko po ba eh mag iisda tayo ngayon.
" Sabi kasi ng papa mo bukas ko na daw lutuin yung isda. Alam mo naman yang papa po mahilig sa pork. Walang kasawa sawa ayaw mag isda. " painis na sabi ni mama
" aba! Aba! Aba! Mahal kaya mahilig ako sa pork parang ikaw lang yan. Pork....
Hmmmm MATABA Mahilig ako sa TABA kaya nga di ako nag sasawa sayo. " palambing sabi ni papa
" Hoy! Alturo mataba man ako yummy parin ako sa paningin mo. Nakakamiss na mag isda. Alam mo naman mahilig kami sa isda ng anak mo kasi mahal na mahal ka namin muka ka kasing Isda." patawang sabi ni mama.
" Mama, Papa tara kain na po tayo. Mamaya na po kayo maglambingan ni papa. "
Buti nalang sumunod sakin si mama at papa kung hindi di nanaman sila matatapos sa lambingan nila. Araw araw kasing ni rerequest ni papa kay mama na Baboy ang ulamin namin kahit anong luto basta baboy. Napipilitan lang kumain si papa ng Isda kapag nakabili na si mama ng Isda bago pa sya mag request.
Pagkatapos namin kumain. Niligpit ko na ang pinagkaininan namin at inugasan naman ang mga ito. Si papa at mama naman pumunta na ng sala para sabay nilang panoorin ang paborito nilang palabas na Probinsyano.
*Kring kring kring
"Aba celpon ko yun asan na ba yun"
*Kring kring kring
Aba si Anton bakit kaya sya napatawag. Buti nalang nakatapos na ko sa pag-uugas ng plato.
"Hello Anton" patawang sabi ko.
"Hello Bekang " Anton" talaga alam mo naman Antonia ko sa pangalawa kong pangalan grabe ka din no. Bestfriend ba talaga kita. "
"Ikaw naman Baks di ka mabiro bakit kaba napatawag.?."
"Ayun na nga Bakla diba sa Friday na graduation day natin after graduation may gagawin kaba?"
"Wala naman Baks. Dito lang ako sa bahay tutulungan ko si Mama mag benta ng mga ukay nyang damit sa online."
"Bakla may sideline kasi ako sa Crispy Creme. Pwede tayo mag work dun. Manager si tita sa isang Branch habang bakasyon work work muna. Tumatanggap din sila ng working students. Keri mo ba?"
"Baks keribels yan. Mag papaalam ako kila mama. Sayang din pwede ko din ipunin yung sahod ko pangbaon ko sa college. Nga pala Baks pumasa ako sa exam sa International university. Scholar ang Bestfriend mo."
"Bakla expected ko na yun ikaw paba. Kagandahan lang naman ang wala ka hahahha Charot."
"Ang sama mo din "Anton" sige na pakakainim ko pa si Sam at Sky. "
" Hay nako Bakla kung hindi libro ngayon naman aso inatupag mo. Basta balitaan mo ko at gumawa ka ng resume mo. Dahil sa Monday ang interview natin. Formality lang naman yun ok. "
" Sige Baks salamat. "
YOU ARE READING
Diary ni Bekang
General FictionSimple, Masayahin, Mapagmahal at Matalino si "Bekang" Lahat gagawin nya para lang sa kanyang pamilya. PANGIT ang tingin ng karamihan sa kanya dahil simula bata hanggang nagtapos ng Highschool hindi manlang ito nag aayos ng kanyang sarili. Hindi m...
