KASAL

93 9 2
                                    

"Mahal, pakasal na tayo."

Tiningnan kita. Hindi ito ang unang beses na itinanong mo sa akin 'yan pero lagi pa rin akong nabibigla. Nahihiya na rin, kasi ako ang lalaki pero ikaw ang nag aaya magpakasal.

"Mahal, napag-usapan na natin 'yan diba? Nag-iipon pa ako."

Ngumuso ka dahilan para kurutin ko ang pisngi mo.

"Ba't kasi gustong-gusto mo na?"

"Gusto ko na maranasan maglakad papuntang altar kasama ka."

Kitang-kita sa mga mata mo ang pagkasabik at pagmamahal na nag udyok sakin para halikan ka sa labi.

"Wag kang mag-alala, Mahal. Tutuparin natin 'yan."

Anim na buwan ang lumipas at narito tayo ngayon. Magkatabi papuntang altar. Suot mo ang puting saya na ikaw mismo ang pumili. Pero ang mga bulaklak hindi mo hawak hawak dahil nakapatong ito sa kahon kung saan ka nakahiga.

053119

FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon