thirty one

696 28 3
                                    

Lily's

I was praying so hard na sana maabutan ko si Grey. Hindi kami pwedeng hindi magkita.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Grey sa akin.

Sakto kasing sinasara na niya 'yung pintuan ng condo niya. Napatingin ako sa bitbit niya. He'll leave us again.

"G-gusto kitang makausap."

Napakunot noo siya, "Alam ba ni Seth na nandito ka?"

Natigilan ako sa tanong niya. Bakit ibang tao pa din ang iniisip niya?

"Ayusin muna ninyo ni Seth ang problema niyo, Lily." Sabi niya.

"Pero aalis ka." Sabi ko. "Iiwanan mo kami ulit."

Ngumiti siya sa akin, "Wala na dito ang buhay ko, Lily. Nasa america na ng buhay ko, two years ago na."

"Please," Pagmamakaawa ko. "Kailangan natin magusap."

Napabuntong hininga siya, "Hinihintay na ako ni Dawn sa airport, Lily."

"P-pero siya ang nagsabi na andito ka."

Natigilan siya sa sinabi ko, nakita ko 'yung pagaalala sa mukha ni Grey.

"Sige," Aniya at tumingin siya sa relo niya. "30 minutes, Lily. I only have thirty minutes."

Noong oras na 'yon ay doon ko narealize na paubos na nga. Paubos na 'yung oras na meron kami ni Grey. Paubos na kaming pareho.

Still into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon