nine

779 26 1
                                    

Grey's

Pagdating namin ni Dawn sa tambayan namin ng mga kaibigan ko ay nakaramdam ako ng takot. Takot na baka hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko.

"Hey," Tawag ni Dawn. "Calm down, boo."

I sighed, "I'm scared."

"Kaya nga nandito ako, 'di ba?" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "I got you."

Napangiti ako kay Dawn; she was the only person who stayed with me even with my lowest of low.

Pagpasok namin ni Dawn ay dinig namin kaagad ang malakas na boses ni Axl at Noah.

Pero nung nakita nila kami ay bigla silang natahimik; Axl on the other hand ay biglang tumayo at niyakap ako.

"Dude, tangina, two years." Sabi ni Axl.

"I missed you too." Natatawa kong sabi.

Bigla naman nagsitakbuhan sila Noah at niyakap ako, napabitaw naman ako sa kamay ni Dawn.

"Tangina, di ako makahinga." Reklamo ko.

Sinapak naman ako ni Logan, "Gago, kahit anong ginawa mo noon."

Iyon lang sinabi ni Logan pero alam ko ng okay na kami. Ano mang nangyari noon ay hindi magiging dahilan ng pagkaka-watak watak namin.

Still into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon