CHAPTER 31

3.1K 62 5
                                    

CHAPTER 31: HEARTBEAT

Hindi ko maintindihan ang mga nangyari pero masaya ako. Hindi lang dahil sa halik niya kundi dahil sa sinabi niya. Mahal niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n ang mangyayari. Hindi ko alam na sasabihin niya 'yun. Halos wala akong maalala kundi ang mga nangyari kanina.

"I want to be with you", yan ang sabi ni Eissen kanina kaya sa mansion nila kami tumuloy. Hindi humupa ang ulan kaya hindi rin ligtas kung uuwi pa ako. Walang tao sa mansion dahil nasa States ang pamilya ni Eissen at siya lang ang nag iisa do'n. Ayaw ko pa ngang umapak sa tiles dahil basang basa ako ngunit itinulak ako ni Eissen papasok.

"I'll just get the towel upstairs", paalam niya kaya naiwan ako dito sa sala. Naglibot libot ako at nakita ko ang kanilang picture frame. Kinuha ko 'yung isang family pic nila kung saan bata pa si Eissen at nandoon pa ang kanyang Lola. Ang saya saya niya. Sunod ko namang kinuha 'yung picture kung saan silang tatlo lang ng mommy niya at daddy niya. Mukha ito bago pa lang 'tong picture. Pinagmasdan ko ang kanyang ina. Medyo masungit ito at may hawig kay Eissen ang mga mata. Siguro mga nasa 40+ palang sila. At ang daddy naman ni Eissen ay mukhang nakakatakot. Seryoso at gwapo. Kamukhang kamukha siya ni Eissen.

Naramdaman ko na lang na inilagay na ni Eissen yung towel sa balikat ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko at inilahad niya sa akin ang mga damit.

"Maligo ka na do'n sa guest room. May underwears na dyan. Don't worry sa pinsan ko 'yan at spares lang naman 'yan tapos 'yang shirt ay sa akin 'yan kaya baka medyo maluwag tapos 'yung may short na din. Wala akong mahanap na damit na maayos do'n sa kwarto no'ng pinsan ko kaya 'yan na muna", aniya na parang nahihiya.

"S-sige", inihatid niya ako do'n sa taas kung nasaan 'yung guest room.

"I'll just take a shower", paalam niya saka ko isinarado ang pinto. Malaki 'tong kwarto at may closet pa at napakalinis din. Nagtataka ako kung si Eissen ba ang naglilinis dito. Inilapag ko na 'yung damit ko sa kama. Dahil sa sobrang nilalamig na ako, pumasok na ako sa CR para maligo. Infairness, kompleto sa gamit kaya di na ako nag atubili at agad na ini on ang shower. Damang dama ko ang tubig na umaagos sa katawan ko na unti unting nagpapagaan ng pakiramdam ko. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko lahat kaya di ko pa maproseso ang mga nangyari. Hinawakan ko ang labi ko saka naalala 'yung halik niya. Unti unti kong ipinikit ang mga mata ko saka dinama ang tubig.

Matagal ako bago natapos maligo. Agad kong isinuot ang mga damit na binigay niya. Medyo naawkward pa ako nang tingnan sa salamin ang repleksyon kong nakasuot ng oversized shirt na hindi na nga makita 'yung short dahil sa haba nito.

Bigla akong nakarinig ng katok mula sa pinto kaya tinungo ko ito at nakita si Eissen na nakasando lang at jersey short. Agad akong nag iwas nang tingin. Ang bango niya, shit!

Napatingin siya sa akin pababa sa katawan ko or maybe sa suot ko. Para namang dumadagundong ang puso ko dahil dito. He suddenly advanced towards me while I'm steppung backward, pabalik sa loob ng CR habang mataman siyang tinitingnan.

"Eissen...", I said. I'm out of words to say when all I can feel is my heartbeat.

Napatingin siya sa mata ko at bumaba iyon sa labi ko.

"Would you believe me if I'm craving to taste your lips right now?", He said while leaning to me. I leaned on the counter near the sink but my heart is beating wildly.

"Baka gutom ka lang—"

"Maybe!", Kibit balikat niya bago bumaba ang level ng kanyang mukha sa akin at sinakop ng labi niya ang labi ko.

I got stunned with his sudden movement but I felt my knees got weak when he sucked my lips and opened my lips with his tongue.

"Uhm...", I moaned when he carried me and put me on the counter while he's still kissing me. I closed my eyes and dinama ang bawat halik niya. Nawala ang aking pagpipigil nang sipsipin niya ang dila ko. I kissed him back with the same intensity and I felt his hands going up and down my waist like he's searching for something while I'm here, gripping his shirts and wanting more.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now