Chapter 4: Step 2: Go to the Mall with HIM

21.6K 438 36
                                    

Hannah's POV

Saturday na ngayon at napagdesisyunan namin ng mga sisters ko na gagawin ko ang step 2. Kailangan kong maging ka close si Christian and in order to do that, dapat may time kami na kaming dalawa lang ang magkasama. Specifically...

A date.


Christian/Christiana's POV

Hii. My name is Christiana Montez, 16 years old, Philippines! Ang pinakamagandang dyosa sa balat ng earth.

Ako ay kasalukuyang nag fa-facebook ngayon at tumitingin sa mga gwapong fafas.

ako'y isang sirena~~ kahit anong sabihin nila bandera ko'y di tutumba~~~

Ringtone ko yan. Someone's calling me. Si Hannah girl pala.

"Christiana, the most beautiful girl on earth speaking?"

(Christiana samahan mo naman ako oh!)

"I'm busy noh. Why me pa talaga?"

(Eehhh. Sige na please! Friends naman tayo at pareho tayong maganda. Mag sho-shopping lang naman tayo eh at alam kong magaling ka diyan.)

Flattered naman ang beauty ko dun. Ahihihi.

"Talaga lang, sige na nga."

(Okay! Susunduin moko?)

"Ano ka? Ayoko nga. Ikaw ng pumunta dito."

(Tsk. Lalaki dapat gagawa niyan eh.)

"Pwes, Hindi aketch isang fafa kaya gora kana dito."

(Fine! K. bye. See ya.)

At binabaan ako. Ay iba den.


Hannah's POV

Success na naman si ako. Hehe. Di bale ng ako ang susundo pero darating ang araw na siya na naman. One day but today, it will be me who will make sundo to him. Hayst.

Nagbihis na ako at bumaba na. Nakita ko si Mommy na nagbabasa lang ng magazine habang nakaupo sa sofa namin.

"Oh anak, bihs na bihis ah. Saan ang lakad mo?"

"Mall lang po Mommy."

"Okay. Mag-ingat ka ha, pasama ka nalang kay Mang Pedring."

"Okay ma. Bye." Tas hinalikan ko siya sa pisngi.

Si Mang Pedring pala ang family driver namin. Sinabihan ko siya na magpapasama ako sa bahay ni Christian at papunta na kami roon.


Montez' Residence...

Malaki din ang bahay ni bakla. Pindot ko sa doorbell nila. Bumukas naman yung gate.

"Sino po sila?" tanong nung maid.

"kKibigan ni Christian. Hannah nga pala."

"Ahh. Si Ma'am Christiana po? Pasok po kayo."

Antaray. Ma'am Christiana talaga? Pumasok na kami sa loob. Mayaman rin tong sina Christian ayun sa research ko. Ang family business nila ay mga restaurants na high class. Pinaupo ako sa living room nila kasi tatawagin pa raw nung maid si Christian. Inalukan pa ako ng juice pero tumanggi na ako.

May babaeng may edad na pero maganda siya na pumasok. Tumayo naman ako.

"Good afternoon po." Bati ko.

MISSION:Make That Gay Fall for Me  (COMPLETED- UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon