2

10K 157 1
                                    

"Hoy magaling na babae! Pagkatapos mo kong gamitin at iwanan na lang ng basta doon sa bar ay isang buwan kang hindi magpaparamdam?! Ano yun use and run lang peg mo?" Malakas at mabilis na sermon sa akin ni Ericka matapos kong sagutin ang tawag niya. Napangiwi na lang tuloy ako dahil sa tinis ng boses niya.

Isang buwan na din ang nakalipas mula ng maibigay ko sa isang lalaki ang aking pinaka-i-ingat ingatang puri pero nasayang lang ang lahat ng iyon dahil sa wala namang nabuong bata sa sinapupunan ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nagpaparamdam sa kahit kanino, kahit pa kay Ericka, dahil pakiramdam ko ay napakababa ko ng babae, una dahil naiwala ko ang aking pagkababae ng hindi ko man lang maalala ang mismong pangyayari, pangalawa ay kahit ang lalaking nakauna sa akin ay hindi ko din masyadong maalala!

"Hoy! Ano nabato ka na ba diyan?"

"Ha? Ah hindi may iniisip lang." Bakit kasi napakapalpak ko?

"Ano na? Nakita kita noon na may hila hila kang lalaki , naisip ko na baka may napili ka na. So ano buntis ka na ba?"

"Ah eh, h-hindi eh." Mahina lamang iyon dahil nahihiya talaga ako sa kinalabasan ng isang gabing kabaliwan ko.

"Ano!? Walang kang baby, fetus, junakis, kyotatalet, kambal, triplets, quadruplets o kahit tiyanak man lang!?" Sagot niyang medyo may pagka exagerated.

"Sobra ka naman maka-tiyanak ka wagas. Anong akala mo sa akin aswang?"

"Sorry naman, kasi naman ikaw eh paanong nangyari na walang nabuo? Ano yun aksidenteng nakainom ka ng birth control pills o baka naman hindi mo napansing nag condom pala siya ng hindi mo alam? Bakit hindi mo muna kasi tinanong kung anti-RH bill siya para sigurado."

"Hay best, hindi ako uminom ng birth control pills at imposibleng tumalab yun dahil nakainom ako noong gabing iyon, lalong hindi din siya nag condom dahil base sa kakarampot kong naaalala ay para yatang walang nangyaring ganon. Tsaka tigilan mo na nga iyang topic na iyan."

"Pasensya naman. So paano talaga ang nangyari?"

"Hays, nag pregnacy test ako pero negative, so nagpacheck up ako, at ang sabi ng doctor ay hindi naman daw ako buntis. Tapos pag uwi ko nung araw na yun nagkaroon ako."

"Hay naku Lorena, hindi ka pala fertile nung araw na yun? Hindi ka talaga mabubuntis! Ayan ang napapala mo sa kalokohan mo, edi instant devirginized ka!"

Sa sinabi niyang iyon ay para akong nabagsakan ng malaking bato sa ulo, naramdaman ko na lang na hilam na pala ang mga pisngi ko ng luha. Isang buwan ko na ring alam na katangahan ang ginawa ko pero ang marinig ko iyon sa iba ay tila pako iyong dahan dahang ipinupukpok sa akin sa sobrang sakit.

"Oo alam ko naman yun matagal na." Mahinang sagot ko.

"Lana? Umiiyak ka ba? S-sorry na nabigla lang naman ako kaya ko iyon nasabi."

"Hindi, wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Tama ka naman kasi, kabaliwan naman talaga iyong naisip ko."

"Hay, huwag na lang nating pagusapan pa ulit iyong nangyari, kalimutan mo na iyon nandiyan na iyan eh. Tutal na-Mommy!" Naputol ang sasabihin ni Ikay dahil sa pag iyak ni Melissa, ang 4 year old daughter niya.

"Pasensya ka na Lana, i need to end this call si Erick at Melissa kasi nag away eh."

"Ano ka ba naman, anak mo yun syempre dapat mas inuuna mo sila. O sige na at baka namumula na sa galit iyong bunso mo, pakamusta na lang din kay Mark ha."

"Okay sige sige. Bye Lana."

After that i ended the call. Hay, bilib din ako sa dalawang iyon, hindi ko talaga noon inakala na sa isa't isa ang bagsak nilang dalawa. They were like cats and dogs back in college, whenever they meet chaos happens. Ericka, kikay as ever, was like spoiled brat na habol ng habol sa crush niyang si Nicko na kabarkada ni Mark. At si Mark na ever serious ay iritang irita kay Ericka, but it turns out na siya pala ang may gusto kay Ericka kaya niya ito inaaway.

That Unforgettable NightWhere stories live. Discover now