Chapter 5

842 21 7
                                    

This is it guyyysss. Tatapusin kona last chapter nato para di na kayo mabitin. ;)))

-------------------------------------------------------------------------------

Nathan's POV

Dumating ang araw na pumasok ka sa paaralan na parang walang nangyari. Tuluyan mo na ba akong kinalimutan?

Pumasok ka sa skwelahan kasama si Rose, tinitigan kita ngunit hindi mo ako pinansin, sinabi rin ni Rose sa akin na hindi mo na ako natatandaan, nagpapanggap ka lang ba?

O sadyang tuluyan mo na akong kinalimutan. Napakalungkot ko ng mga araw na iyon, hanggang ngayon, ikaw parin ang hinahanap ko, mga ngiti at tawa mo, napakatanga ko tlga kung bakit ko ginawa iyon sa iyo.

Araw araw kitang kinakausap, pilit kong pinapaalala at sinasabi na kung sino ako, ngunit wala kang ibang ginawa kung hindi ngumiti at umiling.

Kyena, patawad.

Hindi ko na alam kung bakit ka nagkakaganyan, dahil doon, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya nama’y pumunta ako sa inyong tahanan at doon kinausap ang iyong mga magulang.

Pinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari, ikinuwento ko sakanila ang lahat, gusto akong saktan ng iyong mga magulang, at handa akong tanggapin ang lahat ng iyon.

Kasalanan ko Kyena, patawad.

Tinanong ko ang iyong mga magulang kung ano ang nangyari sa iyo at bakit hindi mo ako naalala ngunit hindi rin nila alam.

Pinakiusapan nila ako na tigilan at lubayan na kita ngunit dahil sa pagmamahal ko sa iyo, hindi ko magawa hanggang sa dumating ka sa inyong tahanan.

Hindi ko alam ang gagawin ko noon, nakita ko sa iyong mga mata na ika’y nabigla, isang malamig na hangin ang tumulak sa akin upang sabihing “maaari bang manligaw, magandang binibini?”

nabakas ko sa iyong mga mata ang lubos na kasiyahan.

Natatap ko, tama… Para ako’y maalala mo, kahit na nabura ang alaala mo sa akin, sisimulan kong suyuin kita ulit hanggang sa ako’y tuluyan mong maalala.

---------------------------------------------------

Awwww, Tapos napo. Sana po nagenjoy kayo sa pagbabasa. Thank you pooooo. :))))

Ang Mahiwagang PamburaWhere stories live. Discover now