Mag-isa kong naglakad kagabi sa gilid ng kalsada papunta sa bahay ng tropa ko. Nakayuko ako at malalim ang iniisip. Nagsesenti lang. Naririnig ko kasi yung nagvivideoke habang naglalakad ako. Ang gara lang ng kanta:
Nang dahil sa pag-ibig natutong magtiis
Nang dahil sa pag-ibig nagmamahal ng lubos
Panira lang yung nakasalubong kong mag-asawa. Sabi ba naman ng lalaki sa asawa niya, "Lasing yan oh."
Takteng 'yan! Nagdadrama lang ako kuya, di ako lasing! Gusto ko sana siyang sapakin at sabihing nasa katinuan ako pero hindi ko ginawa kasi mabait ako :) di ako war freak :)
Balik ako sa pag-eemo.
Ang puso kong ito ng di umaasang
Tumbasan mo ang pag-ibig ko
Nang dahil sa pag-ibig sunud-sunuran ako
Sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig
Umiiyak ngayon ang puso koTangnang kanta yan oh! Napagkamalan tuloy akong lasing.
YOU ARE READING
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan