CHAPTER 1: Man In Black

2 0 0
                                        

                    Lanna's POV.









Ang tahimik, ang tanging maririnig mo lang ay ang mga huni ng ibon at ang tunog ng mga dahon sa puno pag humahangin. Nag kalat ang mga tuyong dahon sa paligid na kapag natapakan mo ay makakalikha ito ng tunog. Mainit na din at dahil sa mga nagtataasang mga puno ay hindi nakakapasok ang sinag ng araw.

Nandito ako ngayon sa likod ng Campus, nakaupo sa ugat ng malaking Acacia at kasalukuyang nagpapahinga.

Parang Mini Forest na din itong likod ng Campus, balak sana ng mga Officials ng School na putulin na ang mga puno at patayuan ito ng bagong building pero hindi pumayag ang nagmamay ari nito ngayon.

Maraming natatakot pumunta dito sa Mini Forest dahil sa tuwing gabi raw ay may mga kakaibang tunog na naririnig ang mga guard na hindi magagawa ng kahit anong hayop.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang may mga gumagalang kaluluwa daw dito na nanghihingi ng tulong.

Madalas itong ikwento ng mga matatagal ng Teachers dito sa School kapag may Halloween Party o malapit na ang Undas.

Dati daw may nakatayong Mansyon sa dulo ng Mini Forest na'to which is totoo naman kasi napuntahan ko na yun nung time na bago palang ako sa Campus at Curious pa sa mga bagay-bagay. Nung narating ko yun I had goosebumps kase napakalaki nung Mansion tapos sobrang luma na nya...parang ilang dekada na syang nakatayo doon at wala man lang nag aalaga? tapos parang may nakatingin sayo? ganun yung pakiramdam ko nun, kaya sa lahat ng binabalik balikan ko dito sa Mini Forest yun ang hindi kona pinuntahan ulit.

Back to the topic, so yun nga, sabi nila doon daw nakatira ang dating may ari ng Campus, sobrang mahal daw nito ang School kaya nagpatayo ito ng bahay, kung bahay nga bang matatawag yun, sobrang fan daw ito ng Nature kaya doon nya pinatayo ang bahay sa Mini Forest. Nagpatayo din ito ng building sa Left Wing ng Mini Forest at ito ang nag silbi nilang meeting place ng dating mga  officials, sa Right Wing naman daw nagpatayo ng Fish pond at hindi kalayuan sa Fish Pond pinatayo ang Gazebo at sa harap mismo ng Gazebo mayroong sapa. Ang ganda daw nitong Mini Forest dati, alagang-alaga pero isang araw bigla nalang daw nagkalindol, lahat ng Officials ay nandoon sa Building at nag m-meeting, tumunog yung Alarm pero dahil nasa Mini Forest sila hindi nila narinig, gumuho and Building at hindi nakaligtas ang mga Officials, that time wala daw doon ang may ari ng School dahil may out of town daw ito kasama ang pamilya.

Maraming napinsalang building sa School at headline ng Tv, dyaryo, Radio etc ang nangyari. Lahat ng nagaaral daw noon dito ay sa Triangle nag klase, lumipas daw ang buwan bago naayos ulit ang napinsala ngunit ang Building kung saan namatay ang mga Officials ay hindi na nirenovate at hinayaan ito sa ganoong ayos, nagtataka ang ilan dahil sa dami ng nasira sa School ang bahay daw ng may ari nito ay hindi man lang nagkaroon ng kahit isang maliit na sira ngunit isinawalang bahala nalang iyon ng ilan sa kadahilanang baka magaganda at dekalibre ang ginamit na pag papaayos sa bahay.

Buwan ulit ang limipas nang bigla nalang daw namatay ang may ari ng Paaralan sa hindi malamang sakit, pinasara daw ang Campus ng ilang taon, napilitang lumipat at tumigil ang mga estudyante dahil wala silang magawa sa naging desisyon ng Pamilya nito.

Taon ang lumipas bago binuksan ulit ang School na parang walang nangyare at nakatanggap ng recommendation ang dating mga guro na magtrabaho ulit dito, may mga bumalik at may hindi na...at doon daw sila nakaranas ng mga kakaibang pangyayari sa School na  hindi naman nangyayari noon.

Saulong saulo ko na ang kwentong ito dahil simula First Year ko sa paaralang ito, lagi na itong nakukwento ng mga teachers pag Halloween, hindi sila nag mimintis sa pagkwento, sinisiguro nila na alam ng bawat estudyante dito ang kwentong iyon.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 06, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Loving YouHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora