Special Chapter 3.2

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry, wife. I love you. But please, wag kang sasama sa lalaking 'yun kanina. Wala akong tiwala sa kanya."

"Mind your own business, Lance." Sagot ko saka iniwan na si Lance. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya. Lumapit ako kay Yuan na tinutulungan ng yaya nya na gumawa ng sand castle.

"How's my baby boy?"

"Momm! Look! I have house." Nakangiting sabi nya.

Castle ang ginagawa ng yaya nya pero house lang ang tawag ni Yuan don.

"Wow. Ang galing naman ng baby ko." Puri ko saka ginulo-gulo ang buhok nya. How I love my kids. I can't leave them.

Sila ang buhay ko. Sila ang kasiyahan ko. Sila ang kahinaan ko. Sila ang lahat sa akin.

--

Gabi na. Magkahiwalay kami ng suite. Dalawang kwarto. Kami ni Lance sa isang kwarto at yung katapat namin, is family room kase kasama ng mga bata ang yaya nila.

Naglakad-lakad ako sa tabing-dagat. Nagpapalamig at nag-iisip-isip. Mga bagay na kailangan ng pag-iisip.

Hindi talaga ako nakipagkita don sa lalaking nakipagkilala sa'ken kanina. Faithful ako kay Lance. Kahit ilang lalaki pa ang magpalipad-hangin at mambola dyan, di nila ako basta basta madadala.

Ilang saglit pa ay naisipan kong bumalik na sa kwarto namin. Kanina pa ako sa labas para mag-ikot lang. Time to rest na siguro?

Sumakay ako ng elevator hanggang makarating sa floor kung nasaan ang suite namin ni Lance.

Binuksan ko ang pinto gamit ang keycard. Kumunot ang noo ko dahil madilim ang kwarto. Wala ba si Lance? O nasa labas pa sya? Nagkibit-balikat ako saka pinindot ang switch ng ilaw.

"W-wife.."

God! Napatakbo ako kay Lance na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader. Duguan ang kamay nya at may katabi syang ilang boteng alak.

"Lance! Anong nangyari sayo? Yung kamay mo.." Nag-aalalang tanong ko.

Kahit galit ako sa kanya, nag-aalala pa din ako dahil mahal na mahal ko ang lalaking 'to.

"W-wife. Fvck. Mamamatay ako! Hindi ko matanggap. Nakipagkita ka sa ibang lalaki, wife..ayoko..ayoko.." Umiiyak na sabi nya. Bihira syang umiyak.

He looks miserable. Lasing sya at umiiyak. Duguan pa ang kamay nya.

"Tell me, anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ko. Tumayo ako at mabilis na kinuha sa banyo ang first kit.

Kumuha ako ng cotton and alcohol. Pati na benda then bumalik ako sa pwesto ni Lance. Nakaluhod ako sa sahig para magpantay kami.

Hinawakan ko ang kamay nya. Nagtataka syang tumingin sa'ken. "No wife. No need to do this. Fvck! I want to die wife.."

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. "Gagamutin ko ang sugat mo sa ayaw at gusto mo."

Pinunasan ko ng cotton na may alcohol ang kamay nya. Nilinis ko ang dugo na kumalat para makita ko ang pinaka-sugat nya.

"Wife.."

"Let me do this." Sabi ko lang.

Umiiyak sya. "Aww--wife..wife, gusto ko ng mamatay."

"Wag kang magsalita ng ganyan." Kontra ko at tinuloy ang paggamot sa sugat nya.

"Wife. Nasaktan na naman kita. Napaiyak na naman kita. I want to kill myself for hurting you again! I'm such a jerk. Wife..fvck! Kill me."

Naiiyak na ako sa sinasabi nya. Hindi ko na sya sinagot. Inabala ko ang sarili ko sa paggamot ng sugat nya. Mukhang nabubog ang kamay nya ng mga nabasag na bote ng alak.

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now