19 ∞ Flashback

338K 5K 1K
                                    

Lance POV

Kasal na kami ni Yumiko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari na'to. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki. 

Isa pa, hindi ko rin inakalang makakagawa ako ng kakaibang set-up para lang mai-surprise si Yumiko. Marami ng lalaki ang gumawa ng surprise para sa mga bride nila pero karamihan, in a sweet way. Kaya naisipan ko namang ibahin. Tutal harsh akong tao, in a harsh way ko ginawa ang surprise ko. 

Alam kong hindi masyadong pabor sa iba yun pero yun ang gusto ko eh. Tch. Aangal kapa?

Paano ba nangyari ang lahat? 

"Babe ano na? Ikwento mo na lahat kung gusto mo ng honeymoon!"

=_=

Tch. Ayoko na sanang i-kwento ang lahat pero si Yumiko, ehem! Ang asawa ko, mapilit. Narito kami sa eroplano. Lilipad kami papuntang Paris para doon mag-honeymoon. 

Naging masaya naman ang reception after ng kasal namin. Sino ang nakasalo ng bouquet? Hulaan nyo nalang. 

"Babe!"

Tch. Excited talaga. Sa halip na matulog nalang. "Okay wife. Tch."

"Sige magsungit ka.."

=_=

Blackmailer. Kapag sinungitan ko daw sya, hindi kami magha-honeymoon. Tch. Mas harsh pa ngayon ang asawa ko. 

"Hindi na po babe. Ikkwento ko na. Makinig ka. Wag kang magsasaita hangga't hindi ako tapos. Maliwanag?"

Tumango sya. "Yes babe." 

Parang batang nag-aabang na kwentuhan ng fairy-tale. Di pa rin sya maka-get-over sa ginawa kong set-up at hanggang ngayon naiinis pa rin yan saken. 

"Okay. Pa-kiss muna." Sabi ko saka dinampian sya ng halik sa labi. 

Nagsimula na akong magkwento. 

Flashbacks. 

[Night before the flight]

Hindi ako mapakali. Si Yumiko, mukhang malalim na ang tulog. Tch. Nababadtrip pa rin ako kay Shawn. Idagdag pa si XKing na basta nalang sinuntok si James kanina. Tch. 

Napaupo ako sa kama. Hangga't hindi ko sila nakakausap, di ako mapapakali. Kailangan kong maka-isip ng paraan. 

Bukas lilipad na ako sa Japan para hingin ang kamay ni Yumiko sa parents nya pero sinabi ko sa kanya na sa US ako pupunta para sa business tour. Ayokong sabihin sa kanya dahil gusto ko syang i-surprise. Ilang gabi ko na itong pinag-isipan. 

MY 3: To Infinity And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon