Chapter 9

511 13 0
                                    

Diana's POV

Paglabas ko sa office, bigla naman akong dinumog ng tao. Goodness gracious, this can't be happening.

"Diana, pa picture."

"Diana, ang ganda mo talaga."

"Diana, where's Franki? Are you living together?."

"Diana, are you gay?."

Pumayag nalang akong magpapicture pero no comment ako sa mga tanong nila.

"Excuse me lang girls ah, kailangan nang umalis ni Diana eh. D, halika na. Sorry,nagmamadali kasi kami." Sabi ni Sky na sakay ang kotse niya, sumakay narin ako.

"Bye sa inyo." Sabi ko nalang sa mga tao.

"Wow, celebrity lang ang peg? Talagang sikat ka na talaga D ah."

"Sira haha hindi naman. At saka hindi ko naman ineexpect na ganito yung magiging reaction ng mga tao samin ni Franki."

"Infairness naman kasi girl, bagay kayo. Kung hindi lang sana siya sa straight. So, kagabi ba nakapagpigil ka?."

"Gosh, you sound like Mae. Sky, tanggap ko na. Franki and I will never be more than friends. Marami pang babae dyan na baliko, bakit ko pagtatiyagaan ang babaeng mas tuwid pa sa bakal na ruler?."

"That's my girl. Move on agad bago ma trap. Sana ganyan lang kadali ang sitwasyon namin ni Argel. Pero I swear, sa puntong ito focus muna sa trabaho. Bonus nalang yung landi."

"Hay bakla ka talaga kahit kailan haha."

..

Argel's POV

FLASHBACK

Papunta na kami ni Mommy sa airport pauwi ng Pilipinas, hinatid niya ako.

"So, how's Franki?." Tanong niya.

"Bakit? May sakit po ba siya?."

"Haha that's not what I meant anak. I mean how's Franki? Nagagandahan ka ba sa kanya? Do you like her?."

"Well, yes. As friends."

"Friends lang?."

"Ayoko kasi ng masyadong maarte. Gusto ko ng pinay. Katulad mo ma. Yung masarap magluto, marunong maglaba, mamalantsa, maglinis at higit sa lahat caring. Parang hindi nga yun marunong magluto or magsaing man lang eh."

"Anak, kasambahay ang hinahanap mo. Hindi asawa haha. Well, sayang naman. Gusto ko sana ng mga apong magaganda ang lahi."

"Meron sana Ma, kaya lang may nagmamay-ari na din sa kanyang iba. Huli na ata ako."

..

"Sige na Argel please. Diba nangako ka dati nung highschool pa tayo na magiging Architect ka at ikaw ang magdedesign ng bahay ko?." Tampo ni Kiara.

Pano ba naman kasi? Ako pa yung mismong magdedesign ng dream house ng taong mahal ko, pero iba naman ang gusto niyang makasama sa bahay na yun.

Kung hindi lang sana ako naging duwag dati, masaya sana kami ni Kiara ngayon na pinaplano ang magiging bahay namin. Kaya lang eto ako, torpe.

Straight Girls' Game (FRANKIANA)Where stories live. Discover now