Three

22K 126 26
                                    

Hi mga beybi loooves :* Nag hintay ba kayo ng matagal? Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nag-tyagang mag hintay sa update nitong story ko. I love you sa mga sumuporta, sana huwag kayong mag-sawa :*

~ ~ ~

- KenDi's POV -

" Kendi, mag ready ka na at aalis na tayo within four minutes. Bilisan mo at nakakahiya naman sa mga bisita kung mag hihintay pa sila ng matagal. " Rinig kong sabi ni mommy galing sa baba.

Meron kasing gaganapin na welcome home party sa company, hindi ko nga ma-gets kung bakit kailangan akong bigyan ng ganun samantalang kulang-kulang dalawang beses nga lang ako nakapunta dun. Pero ang sabi nila dad kailangan masanay na akong makihalubilo sa mga empleyado lalo na ngayong magsisimula na akong mag trabaho.

" I'm done! Let's go! " Dali-dali akong bumaba at pumasok sa sasakyan.

" Announcing the arrival of Mr. and Mrs. Agustin together with their twins Mr. Chance Damian Agustin and Miss Kendria Diann Agustin. " The MC announce our arrival and all eyes was set on us.

Para kaming mga hollywood celebrity na pinalakpakan at ang kislap ng mga camera, I must say this is a very big event. And I am very flattered to know na para sa akin itong event na ito.

" Mrs. Agustin! You look dazzling tonight! Eto na ba si Kendi? My! My! How are you darling? Are you staying here for good? " Tanong ng isa sa mga bisita na nagpakilalang business partner daw ni mom.

This is what I hate about being with the socialite, hindi mo alam kung kailan ka pina-plastic at tinototoo, lahat kasi sila mukhang plastic, they all look the same to me, pulos pabongahan lang at pasosyalan ang laging topic at matataas pa sa great wall of China ang mga pride.

" Yes, I am planning on staying here for good. Para naman matulungan ko sila from managing our family business. If you'll excuse me, washroom lang ako. " Mabilis kong nginitian yung babae at tumalikod din agad to go to the ladies room, hindi ko naman talaga intensyon ang pumunta dun, I just don't have any other choice on how to escape there.

Habang papunta ako sa ladies room, nadaan ko ang isang sliding door na bahagyang naka-bukas kaya kitang-kita ko ang mapayapang langit, it was a maze garden and it looks magnificent, that's why I decided to sit for a while in there, total busy ang mga tao kapapapansin kina mom and dad para maka-close ng deal. Tssk.

" Psst! " Bigla akong nakarinig ng sitsit kaya napalingon ako sa direksyon kung saan hinihinala kong pinang-galingan nito.

" May tao ba dyan? " Medyo madilim na din ang paligid kasi evening party ang pinuntahan namin at medyo nakakatakot din ang lamig ng hangin.

" Psst! " May sumitsit uli kaya nagdesisyon na akong bumalik sa loob, siguro kasi matagal na din yung nilagi ko dito.

Papatayo na sana ako nang biglang may tumabon sa mata ko kaya napatili ako n malakas pero natabunan din nya kaagad ng kamay nya!

" Hey hey! It's me! Haha! Sorry, did I scare you? " Binitawan nya ako at umupo sya sa bench kung saan ako naupo kanina.

Somehow, I wish niyakap nalang nya ako. Because the person who did that is the same person who makes my heart beats fast.

" Brail! What are you doing here! Ginulat mo naman ako! " Pabiro ko syang hinampas at tumabi ng upo sa kanya, oo nga't nagulat ako, pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit napakabilis ng pintig ng puso ko. It's because of this sinfully handsome man sitting right beside me smiling as if he remembered something worth smiling for.

" Wala lang naman, nakita kasi kita dito, kaya pinuntahan na kita. Ikaw anong ginagawa mo dito? Should you not be in there entertaining your visitors? " Sabi nya sabay gulo ng buhok ko.

Nilipat ko nalang yung tingin ko sa kabilang bahagi ng maze garden, para naman hindi nya makita yung namumula kong mukha.

" I was there! Na bored lang ako kasi puro pasosyalan lang naman ang ginagawa nila. " Hinid ko maiwasang titigan sya, he really looks so perfect from my perspective. Sya na ata yung pinaka-gwapo na lalaki para sa akin.

" Kung sabagay, nakaka-bored nga naman yun, pero masasanay ka din. Sooner or later you would be working for the company, at kasali sa techniques ang pambobola. " Ngumiti pa sya sa akin, as if he was teaching me techniques for business.

" Sanay ka na din siguro dyan ano? Haha, well. Hindi ko naman na kailangang itanong, you have a successful business of your own, malamang eh magaling ka sa ganyanan. " Ngumiti ako pabalik sa kanya at saka ko tiningnan ang mga bituin sa langit, they are my divertion from too much staring at him.

" Yep! Medyo nasanay na din ako, you have to pleased your clients para ganahan silang mag-invest sa negosyo mo, business is like gambling, kailangan mong sumugal to be successful. " Sabi nya sa akin, well he's right.

Natawa naman ako bigla, I always dreamt of this, yun bang magkasama kami sa ilalim ng buwan at nagkwekwentuhan. Except that, we we're talking about different things, sa pangarap ko, we are talking about our future together, pero heto kami ngayon at pinag-uusapan ang negosyo.

But it's like a stepping stone, pwede namang i-edit sa imahisnasyon ang pinag-usapan, I just like to keep the scenery.

" What's funny? " Kunot noo nyang tanong sa akin, umiling lang ako bilang sagot at tinawanan uli sya.

How I wish, this would be in a different situation, yung tipo bang naglalambingan lang kami sa ilalim ng buwan, at sana ay may bukas pa kaming aabangan.

" You know what? We should head back. Baka kanina ka pa hinahanap ng parents mo. Medyo tago pa namang parte ng maze tong tinambayan natin, baka maamya magpadala na ng search and rescue ang mga magulang mo. Haha! " Natatawa nyang saad.

" Grabe ka naman! Hindi naman ganun ka OA sina mommy at daddy ano! Haha!. " Tinawanan ko sya at sabay kaming nag lakad papasok sa loob.

" Kendria Diann! Saan ka naman galing? We've been looking for you pero wala ka naman dun! Pinuntahan ka pa ng mommy mo sa ladies bathroom pero wala ka din! Pinag-alala mo naman kami! You just came home tapos mawawala ka ng ganun! Don't scare us again Kendi! " Daddy was ranting pagkakita pa lang nya saakin.

" Sorry po tito, sinama ko lang po si Kendi sa maze garden, ipanakita ko lang po sa kanya yung landscape na design ko. " Nagulat ako ng sagutin ni Brail yung pangaral ni daddy at mas lalong nagulat ako ng sabihin nyang siya ang nag-design ng landscape na yun!

" Oh really? That's alright then, huwag nyo lang gagawin iyan next time. So? How do you find it sweetheart? Magaling si Percival ano? " Proud si daddy ng itanong nya kung magaling ba si Brail, para bang siguradong sigurado sya na magugustuhan ko yung gawa nya. Well, you cannot deny it! Sobrang ganda nga naman nito.

At ng dahil sa nalaman ko, para yatang mas lalo akong nahulog kay Brail, he was not just handsome and sporty, he was also smart and very artistic. Hhhm, may dagdag na naman sa characteristic ng ideal man ko. Haha, Artistic, I love the sound of that.

~ ~ ~ ~ ~

Chapter Three DONE :D

Sorry po talaga sa mga napaghitnay ko ng update, sana matuwa kayo sa update ko na ito, hindi ako ganun kagaling kasi baguhan lang ako at medyo nagiging busy din kasi balik skwela na naman. Kaya sana ay pag pasensyahan nyo ako.

Anyways, please leave your reviews and vote for this story :)

Your always free to message me, mag-rereply naman ako kaagad, just leave a message and follow me loves :*

ANNE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brother's BedroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon